XV. Flashback of that night!

469 3 0
                                    

Sa Bahay.

Nahiga ako agad. I turned off the lights. Matutulog na sana ako, but then my nagflashback sa isip ko.

*Flashback Starts*

Lasing na ata ako.

Linibot ko yung mata ko sa buong paligid.. And then, i saw Vice staring at me. Inilapit ko yung mukha ko sakanya. Nakakatitig pa rin sya.

"Hoy.. Parang ikaw ata ang dapat mag ingat ah. Alalay lang sa damdamin :)" i said seductively.

Ilinapit nya naman lalo yung mukha nya sakin.

"Wala akong planong mag ingat. Handa akong mahulog sayo.." nagsmirk sya.

Mas lumapit pa yung mukha nya sakin, and now i felt his lips. I don't know why pero alam kong mali 'to. I should pull him back but i can't. Nakaramdam ako ng butterflies sa stomach ko.

Ewan ko kung gaano kabilis natapos yun. Ang alam ko lang, halos smack lang yun at hindi napansin ng iba naming kasama.

Naramdaman kong namungay na ang mga mata ko at tuluyan na nga akong nakatulog sa balikat niya.

Nagising ako ulit. Naidlip ata ako. Nakita ko si Vice na nakaubob sa mesa. Nakatulog na din pala sya.

Kami nalang nila Vice, Anne, Jugs at Vhong ang natitira. Tulog na ata yung iba.

"Vice.." ginigising ko sya.

Gumalaw naman sya ng bahagya at unti unting iminulat yung mata.

"Oh? Sorry.. haha nakatulog na pala ako." sabi nya. Mukhang okay na sya ulit.

"Ako nga rin e.." sabi ko. Medyo madilim na ang paningin ko sa kalasingan.

Yung iba parang hindi pa naman masyadong lasing.

Nagkwentuhan kaming lima. Maya maya nag aya na si Anne magpahinga.

"Oy sige ah.. Tulog na ako sa taas. Antok na talaga ako. Maiwan ko na kayo dyan." sabi ni Anne.

"Oo nga. Tulog na tayo?!" sabi naman ni Jugs.

"Tara.." dagdag naman ni Vhong.

Tumayo na silang tatlo. Napatingin ako kay Vice.

"Tutulog kana din?" tanong ko kay Vice.

"Hindi pa ako antok e.. ikaw?" tanong nya naman sakin.

"Hindi pa din e.." sagot ko.

"Sya sige. Kwentuhan pa tayo. Alam kong madae ka kwento e.." sabi nya naman.

Nagsimula akong magshare ng tungkol kay Yael. Yung pinag awayan namin. Naiiyak pa nga ako kasi natatakot ako na maulit yung nangyari samin ni Dingdong. Yung iniwan ako dahil sa kapabayaan ko.

Pero as usual, pinatawa ako ni Vice. Kung anu anong pinagagawa nya. Nagpunchlines, nagknock knock, nang gaya ng artista at kung anu ano pang maisip nya. Lasing na talaga sya.

"Ano tara na.. Akyat na din tayo. Nahihilo na talaga ako." sabi nya at tumayo na. Natutumba na nga sya sa pagkahilo e.

"Uy! Dahan dahan." sabi ko pag napapabangga sya.

Nauna sya sa pag akyat habang nasa likuran nya naman ako at nakaalalay sa bewang nya.

Hay. Salamat. Nakaakyat din. Naglalakad na kami sa second floor papuntang kwarto. Nang biglang muntik syang matumba pero nasalo ko naman. Hinawakan ko sya sa dibdib para maalalayan ko sya. Napasandal ako sa pader. Siya naman, napatuon ng isang kamay dito.

Nagtawanan kami ng muntik na syang matumba.

"Hahaha.. Sorry! Nahihilo na talaga." sabi nya na nakayuko at kinakamot ang batok. I can smell his breath. At amoy alak na ito.

"Haha. Okay lang yan." sagot ko. Pero hindi pa rin kami umaalis sa ganong posisyon.

He looked at me. Napatitig din ako sakanya. "Nacoconvert na yata kita e." sabi ko na bumitaw na sa pagkakahawak sa dibdib nya.

"Hindi kaya.. Asa kapa!" sabi nya na aalisin na sana yung kamay sa pagkakatuon sa pader.

"talaga lang ha.." i closed my arms on his nape. Kaya napatuon ulit sya sa pader. Out of myself, i kissed him huskily on the lips. It's so soft. He responded to the kiss. He put his hand on my waist and his other hand rubbing my back. Matagal din siguro yung nangyari. We go to the room without breaking it.

Nakita ko si Jugs at Teddy na magkatabi sa sahig. Mahimbing ang pagkakatulog.

He closed the door using his foot at ihiniga ako sa kama.

He was the first who broke the kiss. "Oo nga e.. Nacoconvert mo na nga yata ako." nagsmile ako. And he reached my lips again. He's now moving on my neck. I felt the butterflies again, na kahit kay Yael hindi ko pa naramdaman.

I felt happy with what was happening. Nag eenjoy ako.

Nagulat ako nang hindi na siya kumibo. Nakatulog na pala sya sa leeg ko.

Ihiniga ko na rin sya at natulog na din ako sa tabi nya.

*Flashback Ends*

Napabangon ako sa kama.

I rubbed my face. "Haaaayssst! I kissed him?! Bat ko ginawa yon? I cheated to Yael. Nakakainis naman." pinadyak padyak ko yung sahig.

"Teka, natatandaan kaya ni Vice yon?" Nagpause ako para mag isip ng kinikilos ni Vice ngayon.

"Wala syang natatandaan.. Pero pano kung maalala nya na lahat? Ugh!!" Humiga ulit ako at nagsaklob ng kumot.

Hindi ako makatulog.

HERE WITHOUT YOU (vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon