Vice's POV
Okay na ako ngayon. Single. Walang lovelife. Mas okay naman to kesa manloko ako diba? Hindi ko naman mahal.
Kalat na din sa media at mga fans ang paghihiwalay namin ni TR. Ni baby boy. Ang totoo, naghiwalay kami dahil kay Karylle. Ganun na lang ang galit nya sa nangyari.. Sino nga naman bang lalaki ang di maghihinanakit kung ipagpapalit sya ng BAKLA sa isang BABAE.
Naintindihan ko sya. Ako ang nagkulang. Kaya tinaggap ko na lang nung itanggi nya ako sa interview. Pati yung post nya sa fb. Sinabi nyang hindi sya yun.. Pero kilalang kilala ko sya. Alam kong siya yun.Tatlong buwan pa lang ang nakalipas mula nang ikasal si Karylle at si Yael.
Pero sa tatlong buwan na yun.. Mas nahirapan ako. Ang hirap kumilos. Ang hirap gumalaw. Kailangan maging sobrang maingat para makaiwas sa away.
Miss ko na syang katabi.. Miss ko na syang akbayan.. Miss ko na syang hawakan.. Miss ko na syang yakapin.. Miss ko na syang.. HALIKAN.
"Uy! Walang kasama si Karylle.. Dun ka na Billy!" Itinulak ko si bestie sa tabi ni K. Kilala ako ng taong to kaya naman..
"Hindi. Ikaw dito Viceral! Para patas. Lalake.. Babae.." Turo nya saming apat. Nasa gitna namin ang Gandang Babae contestant.
"Ala bat ako?" Pag iinarte ko.
"O sige ako na lang.. Dito ka na brad!" Hinila ako ni Vhong sa tabi ni Billy at sya ang tumabi kay K. Kaya naman mas di ako natuwa.
"Sige na nga! Ayaw nyong tabihan si K huh? Nagtoothbrush naman to ngayon (madlang pipol laugh) Ako na lang.. Dun na kayong dalawa. Sasamahan ko dito si Kurba." sabi ko sabay angkla sa braso ni Karylle.
Ipinagpatuloy na ni Billy ang spiels nya. Pero narinig namin si Direk na nagsalita sa gilid.
"Direk?" Ulit ni Billy.
"Dun kayong tatlo sa kaliwa.. Tapos si Karylle at yung contestant dyan. Para balance." paliwanag ni Direk. Bahagya nya rin akong pinandilatan ng mata. Nagets ko naman yun kaya wala akong nagwa kundi sumunod. Lumipat ako sa tabi ng dalawa.
Nawala rin ako sa mood.. Pero di ko na lang pinahalata yun.
Sa DR..
"Bestie okay ka lang?" biglang pasok ni Billy sa DR ko.
"Uh-Hmm.." Tumango lang ako. Pero di ko sya tinignan.
Naramdaman ko ang braso nya sa balikat ko. "tss.. Sinungaling. Bestie kilala kita. Ako pa ba?"
Tinignan ko lang sya as if na hindi ako sumang ayon.
"Wala akong gagawin mamaya. May shoot din si Coleen kaya hindi kami makakalabas.. Gusto mo bar tayo? Iinom mo yan bestie!" Tinap nya ako sa balikat.
--
"Bwisit.." Hinithit ko ng mariin ang sigarilyo sa kanang daliri ko.
"Okay lang yan bestie. Lakas na talaga ng tama mo kay K eh no? Tssk. Akala ko naman nung una wala lang talaga sayo yun. Mapagpanggap ka kasi.. Ni hindi mo sinabi sakin na mahal mo na pala. Wala tuloy akong tutol sa kasal. Tssk!" Lumagok sya ng alak.
"Bwisit.. Napakatanga ko.." Tuloy tuloy na ang pagpatak ng luha ko. "Nararamdaman ko naman eh... Mahal ako ni K. Alam ko yun!" Napahilamos ako ng mukha sa pang hihinayang.
Gulong gulo na ang buhok ko. Maraming nakakita samin sa bar pero wala na akong pakialam pa.
Buong gimik. Sinubukan ko maghanap ng lalaki. Pero hindi na talaga. Nandidiri na ako sakanila. Gusto ko babae. Gusto ko si Karylle.
That should be me..
"Bestie!" Nabigla ako nang naghahabol hiningang pumasok na naman si Billy Crawford ng DR ko. Tong taong to.. Di ba uso katok sayo? -___-
"Bakit? Kung makareact to kala mo'y magiging hurado na si Yael ng isang linggo!" Irap ko sa kanya.
"Bestie.. Manghuhula ka ba?"
"Tss. Pick up line pa more bestie!" Pinagpatuloy ko na ang pag mamake up.
"Hindi pick up line yung Viceral ano ka ba!!" Nanlaki ang mata ko at napahinto ako sa paglalagay ng eye shadow.
"Anong ibig mong sabihin??"
Napasigh siya.. "ANOOO?!" Sigaw ko sa mukha nya habang nakahawak ang magkabilang kamay sa balikat nya.
"Tsssk. Slow to!" Ismid nya sakin.
"Sasapakin kita! Getchi ko gaga.. Sinusure ko lang!! Ano? totoo nga??" Halos mapiyaot na ang taba ni Billy sa balikat dahil sa mahigpit kong pagkakahawak.
"Oo bestie.. Paano yun?" Surrender nya sabay salampak sa harap ng vanity table.
"Sht! Bakit? Ano na namang sumapi kay Direk at ginawa nya yun?"
--
"Alam mo.. Kailangan nyo nang magkaayos Vice." mahinahong sabi ni Direk.
"Pero direk.. Okay na naman kami eeeh."
"Alam ko. Pero dapat maging kumportable na ulit si Yael na katrabaho ka ng asawa nya." dugtong nya.
"Direeeekkkk naman eeehh.." Maktol ko.
Napatayo ako nang makaisip ako ng bright idea. "Sigee! Payag ako! Basta guest horado din si crush?"
"Sino? Si JC? Kakabisita lang nun di---"
"Hindi direk ano ba! Si Kaye Abad!"
"Ah sige.. Sasabihan ko. Ipagdasal mong bakante ang schedule nya this week."
MiniMe.
"At ano namang masasabi mo gwapong gwapo kong asawa.."
Napatingin ako kay Karylle na abot tenga ang ngiti habang ipinapakilala si Yael. Napaismid ako ng bahagya. Bahagya lang para di obvious.
"Okay.. Hi madlang people!" Bati ni Yael sa audience.
"Ay teka lang! Bat nagpapacontest pa tayo?" sabat ko.
"Bakit?" sabay na tanong ni Billy at Vhong.
"Eh may grand winner na tayo oh!" Sabay turo ko kay Yael.
Nakita ko ang pagbabago ng expression sa mukha ni K nung insultuhin ko ang asawa nya. Nakakainis kasi.. Masyadong malanggam! Punyeta. -___-
--
"Pakinggan mo baby huh? My forever ultimate crush.. Kaye Abad!" Bawi ko.
Napatingin ako kay Karylle na mabilis na napalingon sakin dahil sa sinabi ko.
Nagtama ang paningin namin. Nakakita ako ng selos sa mga mata nya. Hindi ko sure kung totoo o umaasa lang na naman ako.. Pero yun kasi talaga ang naaninagan ko.
--
Nabigla ako nang tumabi sya sakin offcam. Nagpeperform noon ang isang contestant ng MiniMe. Nanigas ang buong katawan ko sa excitement. Namiss ko yung butterflies na nararamdaman ko kapag malapit sya sakin.
O//////O
*Yuko*
Naramdaman ko ang kamay nya sa ibabaw ng kamay ko. Bahagya nya itong pinisil at saka ngumiti sakin.
To be continued...

BINABASA MO ANG
HERE WITHOUT YOU (vicerylle)
FanficMay mas sasakit paba sa nararamdaman ng isang taong ikakasal na ang minamahal? Some parts of this story were came from the real moments that happened in showtime. Pero syempre, yung mga offcam tska ibang lines.. imbenteer ko lang. HAHA at galing na...