XXX. Wedding Dress

427 2 1
                                    

Karylle's POV

Sa Europe kasama si Yael..

Namasyal agad kami.  Pagdating sa hotel room, hinubad nya agad ang suot na jacket at dumiretso ng bathroom. Alam kong magtatagal sya don kaya nagsimula na rin ako maligo sa kabila. I supposed to take off my shirt when he came in. Nagsmirk pa sya habang nakaunderwear lang. Natawa naman ako sa hitsura nya. Agad syang nagbabad sa bathtab ko. 

"Halika na baby. Sabay na tayo maligo." pag aalok nya habang nakalubog dito at nilalaro ang bula nito.

"Haha. Oo na sandali." Hinubad ko na nga ng tuluyan ang damit ko at humiga na rin sa bathtab. Malaki yung bathtab kaya magkaharp kaming nagkwentuhan habang nagbababad dito. Nagdala pa siya ng wine. Tag isa kami.

After an hour, nagbihis na din ako. Naiwan ko pa syang nagbababad sa bathroom. Nauna naman ako sa kama. Sinuot ko yung niregalo ng showtime family sakin. Hinandaan ko rin ng mga candles sa paligid as what Anne suggested. haha

Kasalukuyan akong nag sspray ng pabango nang makita kong umilaw yung phone ko. Si Vice nagtext.

"Gabing gabi na, bat kaya napatext to?"

--

Vice's POV

Hindi ako makatulog. Pagulong gulong na ako sa kama. Alam kong honeymoon nila ngayon. iniimagine ko pa lang ang pwede nilang gawin sa gabing ito, halos ikamatay ko na. tsk! Kasi naman e. Bat ba ako nagpanggap na okay?

Flashback Starts

Nagbihis ako ng naaayon sa okasyon, syempre. Pagdating sa simbahan.. Buong tapang kong hinintay si K na makitang nakawedding dress. Ramdam kong hindi na ako maiiyak kaya kampante naman ako. Kailangan ko pa nga kumuha ng video para sa Showtime bukas.

Kainis naman kasi si direk. Nautusan pa ako. 

So anu  pa nga ba? Edi nag selfie vid ako sa bawat moment sa kasal ng Kurba. May mga moments na iniiwasan ko maiyak kaya nililibang ko ng husto ang sarili ko.

At kung hindi ko pala nasabi.. Bumalik na si baby boy. Nakipagbalikan sya nitong nkaraang linggo lamang. Hindi nya naman nabanggit si Karylle sakin, as if na wala kaming pinag awayang Karylle. haha

Oops, tama na dakdak. Pumasok na si Yael sa simbahan at kinamayan ang mga bisita. Hindi ko sya pinansin. Nag usap na rin naman kami at kinumpirma ko na ayos lang ako. At ayos na ayos sakin na ikasal sila. Pero hindi ko lang talaga sya magawang tingnan na nakangiti habang nag aantay sa pagdating ng magiging asawa nya na dapat ay akin.

Nang sabihin nilang papasok na ang bride, nag abang na ako sa gilid. Sa pinaka aisle para makuhanan sya ng video. Ano kayang itsura nya ngayon? Naghanda kaya sya ng husto para sa minion na to? Kung ano man ang kasagutan, malalaman ko pa lang.

Dahan dahan na ngang nagbukas ang pintuan ng simbahan at pumasok na siya. Sa isang mala BIRHEN MARIA nyang wedding dress.

Halos madurog ang puso ko habang tinitingnan syang naglalakad sa gitna. Napakaganda nya, yung ganda na nakikita ko sa kanya araw araw sa Showtime, halos triple nun ang nakikita ko sa kanya ngayon. Ang sakit sakit na ngayon ko lang narealize kung gaano ko na sya kamahal. Ngayon pang ikakasal na sya.

Pinigilan ko ang pag iyak sa pamamagitan ng pagtahimik na lang habang nakangiting kinukuhanan sya ng video habang naglalakad palapit sa minion nyang groom. Mas mga di mapigilang humiyaw at mapapalakpak. Ang sarap isigaw na.. 'Ang ganda ng babaeng mahal ko nuh? Ano nganga mga teh?' Pero syempre hindi ko pwedeng gawin yun. Hindi sya sakin.. At hindi nya ako mahal.

Pikit mata kong sinaksihan ang kissing scene nila ng iutos na ng pari ang 'You may now kiss the bride.'

Flashback Ends

Wala sa sariling itinype ko sa text yung mga pagsisisihan kong salita..

To be continued..

HERE WITHOUT YOU (vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon