Karylle's POV
"Wala syang natatandaan.. Pero pano kung maalala nya na lahat? Ugh!!" Humiga ulit ako at nagsaklob ng kumot.
Kinabukasan.
1pm na pala ako nagising. Napuyat ako kagabi. Kinailangan ko pa uminom ng gatas para lang makatulog.
I decided na wag muna pumasok. Pag iisipan ko muna yung magiging galaw ko pag nagkita kami.
*1 message received*
Galing kay Vice.
Kurba bat di ka pumasok ngayon? May problema kba?
Sorry Vice. Kailangan ko muna magsinungaling sayo.
Reply: May sakit ako e.. Pakisabi na tuloy kay direk ah? Salamat.
Haayst. Naguguluhan pa kasi ako kung paano ako haharap sakanya ngayong natatandaan ko na yung nangyari.
*1 message received*
From Vicey: Ganun ba? Sige ssabhin ko. Pagaling ka! i love you :*
Ang sweet talaga ng baklang 'to. Mabuti nalang hindi ako nafafall sakanya. Naku. Pag nagkataon. Sagad sagad na ang panloloko ko kay Yael.
"O anak. Di ka papasok sa showtime?" sabi ni mama. Binisita nya ako kaya sya nadito sa bahay.
"Ah.. eh.. Opo, sa saturday na siguro ako papasok!" sabi ko naman.
"Ah sige. Matanda kana, alam mo na ang dapat gawin.. O sige na, i have to go na rin. Magshoshopping kami ngayon ni Zia." nagsmile ako sakanya.
"Opo." sagot ko at bineso si mama.
Umalis na rin sya. Papanindigan ko na. Sa saturday na ako papasok.
Lumabas nalang din kami ni Yael. Para naman magka oras ako sakanya.
"Pwede pala 'yon e. Papalusot ka nalang lagi. Sabihin mo may sakit ka." Hinampas ko sya ng very light sa balikat.
"Ikaw talaga. Miss na miss mo agad ako, nagkita naman tayo kahapon ah." sabi ko.
"Bitin nga e. Sorry nga pala ulit ah. For what i did." sabi nya na nakatitig sakin.
"Okay lang :) Ang mahalaga bati na tayo ngayon.." pininched ko yung nose nya.
"Bakit ka nga pala umabsent sa work?" tanong nya.
"Ah... Ahm.. Pa-para dito. Para makasama kita. Bumabawi lang ako." i said sweetly.
"Ikaw talaga. Last na 'to ah? Ayoko na mauulit 'to." Nagsmile ako at nagnod. Thankful talaga ako because i have him. He's always concern of my work. Kahit na may loveteam kami ni Vice. He never speak anything about it.
3 days kong susulitin na magkasama kami ni Yael.
---
Friday na. At okay na ako. Handa na akong harapin si Vice bukas.
*3 messages received*
Dalawa kay Yael at kay Vice naman yung isa.
From Yael: Hi baby. Punta ulit ako dyan mamaya ah.. Miss na agad kita! I love you.
2nd Message: Matutulog lang muna ako. Puyat sa gig. See you later.
Napasmile naman ako. Binuksan ko naman yung isa.
From Vicey: Kumusta kna? Magaling kna ba? Kelan ka papasok?
Haha. Miss nya na ata ako ah. Miss ko na rin sya.
Reply: Medyo okay na.. Pagaling na ako. Baka bukas mkapasok na din ako. Salamat sa concern Vice Pogi :* i love you. miss na kita.
--
Hayst. Nanggaling si Vice dito kanina. At si Yael, umuwe na din.
Hindi na naman ako makatulog. I'd texted Vice pero hindi sya nagrereply. Nakita ko na naoffend sya kanina. Maybe, because i lied to him. Alam nya siguro na hindi talaga ako nagkasakit.
"Uugggh!" I rubbed my face.
Nagulat ako when my phone rings.
Si Vice. Tumatawag. Galit kaya sya? Anong sasabihin ko? Naaa! Bahala na nga.
"Hello?"
"Anong *sniff* Ginagawa mo ngayon Kaye? Samahan mo naman ako dito.." Is he crying?
"Why? What happened? Are you okay?" Nag alala na ako.
Alam kong dahil na naman kay Baby boy nya kaya sya umiiyak ngayon.
"Teka lang. Punta ako dyan.. Wag ka na uminom!" sabi ko. And i ended the call. Nagmadali akong nagdrive papunta sa house nya.
BINABASA MO ANG
HERE WITHOUT YOU (vicerylle)
FanfictionMay mas sasakit paba sa nararamdaman ng isang taong ikakasal na ang minamahal? Some parts of this story were came from the real moments that happened in showtime. Pero syempre, yung mga offcam tska ibang lines.. imbenteer ko lang. HAHA at galing na...