Bitch (8) Date

142 10 1
                                    

A/N: Sorry kung matagal. Haha. Epal kase yung kapitbahay namin, pinalitan password ng wifi. Hahaha. Pag-tiisan niyo nalang ito :)

__________

Kennedy's Pov

" Hey, where are we going ba? "

" Sa Mall. Nagugutom ako. "

Napa-busangot ako dahil sa sinabi niya. Gala lang naman itong gagawin namin. Anong date don? Dapat sa mga romantic place niya ako dinala!

Hindi naman kayo kaya 'wag ka nang mag-reklamo diyan, sa isip ko.

Argh! Bakit ko ba kinakausap sarili ko? Grrrr! I'm being paranoid na!

" Halika na. "

Lumabas siya ng kotse niya bago umikot sa kinaroroonan ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya lumabas na ako.

Hmm. Sa Fujiwara Mall lang pala. Tsk. Kainis!

Bigla niya akong hinila kaya hindi na ako nakapag-protesta pa. Inis kong tinignan ang likod niya habang kaladkad niya ako.

" Hey--- San tayo pupunta? " tanong ko ng hindi kami pumasok sa Fujiwara Mall.

Lumingon lang siya sa akin at bigla akong kinindatan. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko kaya yumuko ako.

" We're here. "

Inangat ko ang tingin ko at nakita kong nasa Heartly Triangle lang kami.

Eh?

Sana pala sa Fujiwara Mall nalang! Argh! Malamig pa doon kesa dito sa park na 'to. Nakakainis!

" What are we doing here? "

Hays. I hate this place. This place is hell! Lagi kami ni Khasper dito noong mga panahong mag-kaibigan pa kami. Tss.

" I know that you hate this place, but just try to forget about it. Just for me, Tricxey. "

Ginulo niya ang buhok ko tapos maya-maya ay ngumiti kaya parang nawala ang mata niya. Pesteng chinito 'to!

" Yaahhh! Huwag mong guluhin. Tsk. "

Inayos ko ang buhok ko at tinignan siya ng masama. Iniinis talaga ako ng baliw na 'to. Grrrr! Ang init-init pa dito plus naka-jacket pa ako dahil nag-practice nga kami kanina kaya palda at croptop lang ang suot ko kaya nag-jacket ako.

Tsk. Yeah right. This place is hell.

" C'mon. Gusto ko nang ice cream. "

Hinila ko siya doon sa ice cream parlor at agad kaming pumasok. Tumunog pa ang chime sa pintuan.

Lumingon sa amin ang mga taong nasa loob kaya tinaasan ko sila ng kilay. Sa akin nga ba sila lumingon o sa taong nasa likuran ko?

Tinignan ko si Kenneth at nakita ko siyang tinitignan ang paligid. Tinaasan ko ng kilay yung mga babaeng naka-tingin sa kanya kaya umiwas sila ng tingin.

Gwapo ni Kuya no? Ano kayang pangalan niya?

Yay! Katawan palang yummy na. Owemji. Sana wala pang girlfriend.

That Bitch NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon