Chapter 18

241 10 11
                                    

"You know what I really cannot believe that the Avi Gail Cassandra Tuazon really skipped her class just to go shopping with me."

Dumiretso ako sa kabilang fitting room at iniwan si Enia na kanina pang di makapaniwala na di ako pumasok. Never in my life I did this.

"You know what, I was thinking to throw a party." Napakunot ang noo ko sa kanya. "For what?"

"For you! Omyghad! Finally alam mo na kung paano ienjoy ang buhay. Hindi dapat puro aral. Tama yan." tuwang-tuwa siya talaga. "Here oh" iniabot niya ang credit card niya sa cashier. Tsk. Spoiled brat.

"Sabi nga nila there's always a first time to everything, so ito yun. Grabe ka baka inubos mo na yang laman ng card mo't magalit si Tito."  Kinuha na namin yung pinamili namin at dahil sobrang dami nila iniwan kuna namin sa baggage counter.

"Hello, ipon ko 'to no. 6 months na akong di nagshoshopping, plus stress sa school. I deserve this and ikaw." Itinuro niya ako. "You deserve to be stress free too."

Kumain kami ni Enia and after that hinatid ko na siya terminal ng van pauwi sa probinsya. I went home and wala na talaga akong  ganang pumasok sa afternoon class. This is not so, Avi.

*beep*

Unknown:
I've been calling you. Why aren't you answering? 

Napahawak ako sa noo ko.

56 missed calls from him.

*wise men say, only fools rushing. But I can't  help-*

I pressed the End call button and typed,

To Unknown:

Stop calling me please.

Sent

"Ma!" Tawag ko nang masagot niya agad.

"Oh anak, napatawag ka, wala ka na bang pasok?"

"Ma, bakit mo binigay yung number ko kay Troy?"

"I thought it's fine with you. And sabi din naman ni Daddy mo it's better if you get along with him. Alam mo anak na gustong-gusto talaga siya ng Daddy mo. In fact, nag-usap na sila and by the way-"

"Ma I need to go. Nandito na yung teacher." Pagsisinungaling ko. Ayokong pag-usapan na naman si Troy.

"But anak-"

"Bye ma." I throw my phone at the sofa.

Ipinahid ko ang luhang tumakas mula sa mga mata ko. Nakakainis. I slept all the pain away and hoping that pag gising ko'y wala na si Troy sa buhay ko.

Nagising ako nang may kumakatok at tumatawag sa phone ko.

"Hello?" Sagot sa tawag.

"I'm outside of your house. Please go out." Agad akong napabalikwas at tiningnan mula sa bintana si William.

"Wait." I said and end the call.

Pumunta muna ako sa banyo para makapagtoothbrush at lip balm. I look myself at the mirror. Seriously Avi?

Pagkapasok niya pa lang sa loob ay tinanong ko na agad siya kung bakit siya nandito.

"Well, your absent and I-" hinarap ko siya.

"Are you worried?" I joked.

"Oo bakit?" Nagulat ako sa sagot niya akala ko,

"Kuha kita ng meryenda." Tumalikod na agad ako't tinungo ang ref. Gaga Avi, wag kang ngingiti!

Can't Help Falling Inlove| #KNWonderwallWC Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon