Chapter 23

250 12 30
                                    

"Before the University Day came which is a week from now, I would like to remind you that we have a quater exam this  friday."

Naitapon ko yung mga scratch paper ng mga nasolve ko na. This Math problem is so complicated like my life. Mula rito sa gazebo ay natatanaw ko ang mga naglalaro sa field. Soccer and frisbee. It's been a month since na nagstart ang mga games. I saw the Engineering team, rejoicing. Panalo na naman sila sa soccer and Jake being the Team Captain  proudly raised their trophy.

Jake, he stopped sending flowers. After I talked to him last week.

"I understand.Don't worry I'm not mad at you. Nalulungkot lang ako dahil nagsisimula pa lang man ako ay talo na agad." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil nakokonsyensya ako.

"Sorry talaga." That was all I can say and I accepted his friendship. I still doubt if he's serious and I'm not really interested in him.

Ibinalik ko ang tuon ko sa paggawa ng mga reviewer. There are a lot of terms to be remember. Kailangan ko mag focus.

*beep*

William:
Where are you?

Kakasabi ko lang na kailangan ko magfocus. Tsk.

To William:
Gazebo right side ng field.

After five minutes, he came and napakunot naman ang noo ko. What's with the glasses. Pinagtitinginan siya.

"Hey. Gwapong-gwapo ka ata sa'kin. You're gawking Avi." Inirapan ko na lang siya. Mahangin talaga.

"Aren't you gonna play? Championship nyo di ba?" He just shrugged his shoulder, and get my books.

"Santos and the team can do it. After all, champion na ako." He winked at me at agad na pinulot yung mga books ko't hinila.

"Teka, saan tayo pupunta?" He started the engine of his car. Half day lang kami ngayon because of the different championship games and busy ang lahat para sa exam this Thursday and Friday.

"Study."

I just texted Pia that I won't be able to join them in their group study.

Pia:
What?! Di ba ikaw magtuturo sa amin sa Math? Saan ka ba? 

Ito na nga ba. Si William kasi.

To Pia:
Sorry talaga bukas na lang. Emergency eh.

"So ito yung sinabi kong emergency kay Pia, a lunch under the tree? Seriously?" Unbelievable, I don't know where this place is. Di ko alam na may ganitong parte sa syudad. Parang farm.

He pulled me under the mango tree where he set up our lunch. "It's not just a lunch. It's a productive lunch. " I beamed while squinting my eyes on him. Incredible.

Naka upo kami ngayon sa blanket na inilatag niya at patapos na yung kinakain naming lunch. Grabe, spaghetti, chicken,  pizza, and my favorite adobo. Kanina ko pa tinatanong kung paano niya to inihanda, magic daw.

"What percentage of results 8/9 in 1/3?" I read my reviewer and tried if he can answer it.

"What's my reward?" Ani nito ng nakangiti.

"Wala, dali na. "

"Ang hirap niyan and kanina pa ako sagot ng sagot sa mga tanong mo. dapat may kapalit."

"Ang dali nito para sa'yo eh. Sige na nga, if you can answer this you ask me anything. " he gave me a smug look then nagkunwari siyang nag-iisip. Niloloko talaga ako nito.

"0.375" ibinato ko yung plastic cup sa kanya dahil tama siya. "What? Is that the correct answer?" Kuwari'y di alam at tuwang-tuwang siya. Hay nako, William.

"Ako naman" lumapit siya sa akin then ask me directly, " I heard you're good in algebra, can you replace my X without asking Y?

And for a moment, I can't find the formula in composing myself. Is there any solution to the abnormal beating of my heart? Hindi ko ata mahanap ang variables ng pag-iisip ko.

"Ano?" Naguguluhan kong tanong. Baka mali yung narinig ko.

"Kung sa quiz bee ka, siguradong di ka nakaabot sa time." Tumawa siya't kinuha yung ballpen ko sa kamay ko.

"Seryoso ka ba?" Nakatulala pa rin ako.

"You heard me, Avi, I'm damn serious in my whole entire life. Sa gwapo kong 'to, mukha ba akong manloloko?" He wrote something on the paper and finally, nakahinga naman ako kahit na sa totoo'y kinakabahan ako sa mga pinagsasabi niya.

"Inosente ka na nga, manhid ka pa. Ilang lalaki pa bang umaaligid sa'yo ang kailangan kong suntukin? Ilang dalaw pa ba ang kailangan kong gawin? At ilang math problems pa ba ang kailangan kong sagutin para maniwala kang gusto kita."

Gusto kita. Parang gusto kong lumundag sa isang bangin. Tama ba yun? Na food poison ba sya kanina?

Nakakainis, wag kang ngingiti Avi!

"Tangina, William susuntokin talaga kita." I hit his arm and he's gaping his mouth amusingly.

"Wow, did you curse? Ibang klase. Other girls will be very happy and probably would kill themselves in joy if I confess my feelings to them. Pero ikaw?" He laughed at me and pinch my nose.

"Stop pinching me!"

"You're so cute, damn. Pwede ba kitang ibulsa?" Aniya. Iniwas ko naman ang tingin ko.

"Aminin mo na lang din kasi na crush mo ko?" Ibinangga niya yung balikat niya sa balikat ko't muntik na akong matumba. Walangya, nagulat ako't di ko nabalance yung pag-upo ko.

"Sorry!" Nanlaki ang mata ko nang yakapin niya ako. Our first hug-unintentional hug, technically. My heart started to pound like crazy again.

Kinalas niya yung yakap niya at binigay sakin yung papel na sinulatan niya ng tanong niya kanina. "Answer it when you're ready,  no pressure. Wala namang finals jan eh." then he winked. Tusukin ko kaya mata niya.

"Why aren't you smiling? Aren't you happy that I finally confessed my feelings to you? Ngiti ka nga." tumawa naman ako, napakademanding talaga.

"Oh ngayon tinatawanan mo ako."

"Sino bang nagturo sa'yo ng way ng pagconfess mo? Ganun talaga? Ang corny. Ginamit mo pa ang Math." Ibang klase ka talaga William. Kung alam mo lang kanina pa ako nangingiti.

"Ako lang. Syempre gwapo ako eh kaya dapat unique. Alam mo iniisip ko nga kanina na maiiyak ka sa tuwa eh.- Aray!" Pinalo ko siya kasi naman ang yabang talaga.

"Ang yabang mo ha. Iiyak talaga. Di ka nga mukhang kapani-paniwalang may gusto sa akin. Actually parang gusto ko ng sagutin ng 'no' yung paper. Saan na ba yun?" Agad niyang kinuha yung paper na naipit sa book ko.

"'Wag mo naman akong bustedin ngayon. Pag-isipan mo naman. Grabe ka, stop hurting me."

Tumawa lang ako ng tumawa the whole afternoon kay William. I never pictured this out. I'm really comfortable to be with him. Pinapagaan niya parati yung mga  sitwasyon. Sino ba ako para sabihing hindi ako kinikilig sa kanya? Si William na akala ko lang puro lang kami aral ay magpipick-up line sakin ng ganun para umamin. Walangya talaga. 

"Dito ka magdidiner?" Tanong ko nang maihatid niya ako.

"Nah. Masyado ka ng kinilig sakin ngayong araw. Bukas ulit." Aynako!

"Yabang. Umuwi ka na nga." I pushed him inside of his car but he hold my hand.

"You don't know how nervous I was earlier. Feeling ko may practical exam ako na dapat ipasa. I hope na nag-enjoy ka kahit na sabi mo corny."

"Wag kang mag-alala, pag-iisipan kong mabuti ang grade mo rito." Itinaas ko yung paper. "Ingat ka. "

"See you tomorrow. "

Tinanaw ko yung sasakyan ni William na papalayo.

I heard you're good in algebra, can you replace my X without asking Y?

Ibang klase, gusto ko na tuloy dumating yung bukas.

Can't Help Falling Inlove| #KNWonderwallWC Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon