Chapter 14

277 11 25
                                    

Time flies so fast. We're currently on the way going to Bacolod. Nasa barko na kami at guess what kung sinong katabi ko?

"You want some chips?"

"No."

"Are you sleepy?"

"No."

"Why so grumpy? Are you on your period? " argh!

"Tumahimik ka nga. Bunganga mo eh." Tumingin nalang ako sa TV sa harap naman na kasalukuyang ipinapalabas yung Inside Out.

Nilingon ko siya't naglagay siya ng earphones at glasses. He's busy texting someone. Kasi naman. Sumasakit ang ulo ko. I'm having a seasickness. And I'm concentrating baka mamaya masuka ako.

"Wil." Pagtawag ko. Hindi siya sumasagot.

"Hoy William. Sorry na." Tinusok ko yung pisngi niya at tinabig niya naman to. Walang ya. Nagtatampo ang lolo niyo.

"Madrigal! Psst." Di niya parin ako pinapansin.

I switched my position to the other side para makatulog. Ghad! Bakit kasi may seasickness ako. It's kinda hard to find a comfortable position para makatulog. Di naman pwedeng yumuko ako sa bag ko kasi sobrang liit nito at nahihilo ako. But I'm determined to sleep.

I think mga 5 minutes nasanayan ko na yung pag-upo ko and slowly I'm falling asleep. Pero di ko inaasahang kunin ni Wil yung ulo ko't isandal sa balikat niya. It's like he's embracing me. And di ko na idedeny na mas komportable dito. Aayusin ko na sana yung upo ko kasi nakakahiya pero pinigilan niya ko.

"Just sleep. 2 hours pa." Nilagyan niya ng isang earphone ang tenga ko't nasa kabilang tenga niya yung isa. Sa sobrang komportable ng posisyon ko, I fell asleep.

"Love birds gising na. "

"Ay nakakaloka mga te, ang cute nila picturan mo dali!" May mga maliliit at matitinis na boses akong narining kaya naman napagising ako ganun din si Wil. I rubbed my eyes ang saw my other schoolmates smiling at us.

Tinanggal din ni Wil yung pagkakaakbay niya sakin tapos inayos yung shirt niya at buhok.

"Hi. Hihihi." Kinikilig na tili ng isang baklang kasama namin kay Wil. Nginitian lang sya ni Wil.

"Ang cute nyo naman. Bababa na tayo ng barko." The girl with a high ponytail started to took her bags as she said that. Tumigil na pala yung barko.

"Let's go. " kinuha ni Wil yung hand carry ko na bag. Habang kinuha ko naman yung maliit kong maleta. He has a backpack and maleta din.

Nang bumaba kami ng barko. Excited kaming walo at agad na nagpicture. I didn't know na hindi pala KJ tong si Wil. Isang teacher lang ang kasama namin. Si Mam Jean.

Pumunta muna kami sa isang hotel. Isang malaking room ang kinuha ni mam upang di na siya mahirapang icheck bawat kwarto.

"Yung boys nasa left side ha at girls sa kabila kayo. Tatabi ako sa inyo."  Pag-aanunsyo ni Mam.

Meron kasing isang queensize bed at isang single bed left side at sa katapat na side nito ganun din. Kasya ang limang tao sa  bawat side.

"Eh. Mam. How about me po? Sa girls po ba ako o sa boys?" Tanong ng baklang si Lindon.

"Hayyy nako. Malamang sa mga lalaki ka. " Sagot ni mam at agad na nagliwanag ang mga mata niya. Nagreact naman ang boys at nag-unahang sa pwesto. Nagtawanan naman kami. Mga takot kay Lindon eh.

"Cge na. Apat kayo jan kaming lima rito. Mga maliliit naman tong mga girls kasya kami dito."  It's true. Ang laki nga ng single bed nila.

Ang mga boys nakahanap ng paraan para iwasan si Lindon ang isang single bed nila medjo inilayo nila sa queen size bed. Mga loko talaga. Na isolate tuloy si bakla.

Can't Help Falling Inlove| #KNWonderwallWC Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon