Chapter 54

184 7 18
                                    

"William, kung hindi ikaw ang pupunta sa meeting baka alisin ka ng lolo mo sa pwesto. Andami mo ng mga na ditch na meetings at itong sa Japan ang isa sa mga pinakaimportante. You need to--"

"I know Bert. Natext ko na Leon--"

"Pare, walang alam si Leon doon. Anong gusto mong gawin? Magdribble yun doon? Pare naman pakiusap. This will be your biggest break. Makikilala hindi lamang ang kompanya kundi pati na rin ikaw. You dreamed this. Ito na."

Napasabunot si Bert ng kanya ulo sa frustration. Kanina pa siya palakad-lakad at kumbinsi sakin.

I heaved a deep breathe, "Bert, I can't leave lalo na't walang kasiguraduhan kung makakabalik ako kaagad."

Inis na tinukod ni Bert yung mga kamay niya sa lamesa ko't hinarap ako.

"William, this is business! If you're afraid that when you came back kasal na si Avi--"

"Hindi ito tungkol kay Avi."

"Oh! Come on William! Walang kasiguraduhan yang si Avi, itong business meron! Ano ba?!"

I closed my eyes and calm myself.  Baka masuntok ko si Bert.

"William, kalimutan mo na lang si Avi. Ikakasal na yung tao."

"Mahal ko si Avi. Intindihin mo naman." Isinara ko ang laptop ko at saka hinilot ang sintido. Bert stresses me. Naiintindihan kong importante ang meeting na yun pero sana intindihin niya naman ako.

"I get it that you love her. Pero mahal ka ba niya William? "

"Mahal niya ko!" Bert just pushed my button. Kanina pa ako nagtitimpi sa kanya. Avi is more than this business. I won't leave without making sure she's mine again.

"Talaga? Kung mahal ka niya hindi na ka na sana niya pinapahirapan. Sana sinabi na niya kaagad ang totoo edi tapos ang problema. Pero ano? Ayaw niya kayong bitawan pareho ni Anthony. "

"What do you mean?"

Nagtataka pa rin ako na magkakilala sila ni Avi. Alam kong may alam siya sa mga nangyayari. Pero hindi ko naman siya pwedeng pilitin.

Binasa ko yung email galing sa mga Tuazon. They declined on my partnership offer. Sila Troy pa rin ang pinili nila. Tss. 

"Alam mo ang pabibo mo talaga Carl. Bakit ba nakikialam ka na naman."

The door of my office  suddenly opened and the dog and cat just entered.

"No pets allowed. Bakit nandito kayo?"

"Uy, Enia. Labas shoo." Pagtataboy ni Carl na lalong nagpa-init ng ulo ni Enia.

"You know what? Umalis ka na lang kasi at makipagdate sa mga girls mo imbis na ako ang pagtripan mo." Inirapan ni Enia si Carl atsaka lumapit sa table ko.

"Wil, baka naman pwedeng matulungang ma hire yung friend ko dito--"

"Sipsip." Singit ni Carl na ngayon ay nakaupo sa couch at kunwaring walang sinabi.

"As I was saying, you know maganda naman yung education background niya--"

"Enia, titingnan pa rin natin. It doesn't mean that we're friends --"

"Hayyy sige sasabihin ko na lang kay Avi na dinecline mo yung friend namin. Sa kanila Troy na lang siguro--"

"Send me his or her biodata ako na bahala sa HR."

"Cool." Ngumiti siya at bumelat kay Carl. Tss. Ginamit pa si Avi.  "Ay may bisita ka pa lang maganda labas. Nakikichikahan pa kasi sa secretary mo."

Tumayo siya at tinawag yung sinasabi niyang bisita ko. And she's right. My visitor is so damn gorgeous.

"Hi." She smiled at me. Damn, ang ganda.

Tumayo ako't lalapit na sana ako pero biglang may humila sa kanya at niyakap siya.

"Best friend, namiss kita. Kelan ulit tayo magdedate?" Ani ni Carl.

My brows immediately met at his actions. Chansing.

"Kakakain lang natin sa labas kahapon, you miss me na?" Sagot naman ni Avi na parang enjoy na enjoy sa akbay ni Carl.

"Ahem."  I raised my brow to Carl. Dude, get your hands off my girl.

"Gusto mong tubig pare?" Nakangising tanong ni Carl. Biglang tumawa si Enia ng malakas kaya naman biglang nainis si Carl.

"Aww, parang high school lang. Huhuhu"

"Ang drama. Ingay mo Enia, umuwi ka nga."

"Gg ka talaga Carl." Tumawa lang si Avi sa kalokohan ng dalawa.

"Umalis na nga kayo." Sabi ko.

"Okay. Tara Avi alis na raw tayo." Enia gladly obliged my order while pulling Avi out.

"Hey. Except Avi." Sabi ko.

Tumawa naman agad sina Carl. But before he left my office he tapped my shoulder. As soon as they closed the door, I pulled her into a hug and kissed her forehead.

"Nagkita kami ni Lolo Anton." Napabitaw ako sa kanya saglit at tinitigan siya.

"Really? Where?"

"Sa restaurant kahapon, kasama ko si Carl. Grabe, parang di siya tumanda eh."

Hinila ko siya paupo sa couch at nagpatuloy siya pagkwento tungkol kay lolo.

"Wil."

"Yes?" I continued to stroke the strands of her hair while hugging her.

"I broke up with Anthony. "

Natigil ako sa pagsuklay ng buhok niya.

"Nagalit siya."

"Did he hurt you?" Iniisip ko pa lang na saktan niya si Avi ay parang mapapatay ko na siya.

"No. He's gentle even though I caused him pain. But he wants Axel." Lumiit ang tinig ni Avi at bahagyang  naiyak. I hugged her tight.

Anthony is willing to set her free but he's taking Axel away. It brings so much pain in me knowing that she'll be miserable without her child.

"Hindi ko kayang iwan si Axel. Marrying him is the only option so I could have my son."

At this moment,  I felt scared. Takot na baka mas piliin niya ang anak niya at pakasalan si Anthony. I don't want to dictate her so I just stayed comforting her until she stops crying.

Tinanggap ko na na may anak na siya. I even accepted that she'll be marrying another man. But she came back to me saying she loves me. Hindi ko alam kung tama pa ba to. Our love or her love to her child.

Blood is thicker than water. Akala ko mananalo na ako. Pero mukhang matatalo na nga talaga ako. I love Axel too and I'll try to understand whatever her decision is.

---------
Matatapos na ang taon 😊

Can't Help Falling Inlove| #KNWonderwallWC Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon