Chapter 49

157 8 17
                                    

"Hoy! "

"Tangna! Bert! Ang ingay mo!" Kanina pa siya sa likod ko.

"Nababakla ka na ba? Bakit mga bulaklak yang edit mo?"

"Lumayas ka nga!" Isinara ko ang laptop at siniko siya sa tyan.  Naglakad naman siya pabalik sa couch at pinaglaruan ang rubber duck. Tss.

"Sinagot na pala ako ni Andrea, salamat sa pagpapaiyak. Hehehe"

I raised my brows at him and leaned to my swivel chair.

"Really? Paano mo naman pinikot yun?"

"Hoy! Ansama! Pinikot kaagad? Hindi ba pwedeng gwapo lang ako't nainlove siya?"

"Ewan ko sa'yo Alberto." Iling ko. Kawawa naman si Andrea.

Ibabato na sana ni Bert ang rubber duck nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.

"Hi! William!"

"Uy chix!" Ani ni Bert at biglang tayo. "Hi miss!"

"Bakit Enia?" Dumiretso si Enia sa table ko't nilampasan si Bert. Pahiya ang gago.

"I'm sorry about the last time. Hindi ka pumunta sa opening. " she pouted. "May nasabi ba akong ikinagalit mo? Kasi sabi ni Carl galit ka raw na umalis."

Napayuko ako't napakamot sa ulo. Sabi ko na eh.

"Tungkol kay Avi."

"Omg! Sinabi ko? Omyghad!" She covered her mouth and I just laughed.

"Sabi ko na. Lasing ka lang eh. Bakit mo sinabi yun?"

"Oh well, it was kinda true."

"What do you mean?" Itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya sa pagsasalita. " Labas ka muna Bert."

"Tsss. Arte. Sa labas lang ako Miss."

"Maupo ka nga." Umupo siya. "Anong ibig mong sabihin sa she's dead mo?"

Bwesit na yun. Para akong gagong umiyak.

"Uh. Nevermind."

"Enia, nakakausap mo pa ba siya?"

"Yeah. But she's kinda aloof. Andami ng sekreto. But she's fine. Sorry talaga ha. Huhuhu. Dare kasi yun ni Carl, paniwalain ka raw. " I heaved a deep sigh. Baliw talaga mga best friend ni Avi.

"Do you how painful that was?" Pinanatili kong seryoso ang mukha ko't naramdaman kong biglang natakot si Enia.

"W-wil sorry na. "

"Sobrang sakit En. Paano pa kaya pagnalaman ni Avi na sinabi mong patay na siya."

"W-wil naman. Huhu."

"Alam mo ba, muntik na rin akong magpakamatay?" Nanlaki ang mata niya.

"Omg! Wil! Sorry! Buti walang nangyari sa'yo. Hala." I tried hard not to laugh. Napayuko ako para matago ang ngiti.

"Grabe Enia." Napailing ako. "Kung namatay ako di kita titigilan."

"Wil! Huhuhu. Di na ako magsisinungaling pramis! Di na talaga ako makikinig kay Carl."

Maya-maya'y pumasok si Carl. He was kinda amused to see Enia, pero pinagpatuloy niya pa rin ang paglapit at inilagay sa lamesa ko yung papeles.

"Hey!"

"Gago ka! Muntik ng mamatay si Wil!"

"Hala? Kasalanan ko bang sinunod mo?-- Aray!" Enia's hitting him. Mga baliw. Buti talaga di ako nagpakamatay. Eh di, naging Romeo and Juliet part 2 ang love story namin ni Avi. Tssk.

Can't Help Falling Inlove| #KNWonderwallWC Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon