Fragile Emotions

50 0 0
                                    

Keira's POV

Nakakainis na 'tong mokong na'to.

Sa'n na kaya yun napunta?

"Hoy Drake! Lumabas ka diyan! Di naman talaga kita papatayin eh!" Sigaw ko sa gitna ng gubat.

Di ko na alam kung bakit ako napunta dito.

Sa kakahabol ko sa kanya ayun andito na ako sa gubat.

"Drake lumabas ka! Please. Ayokong mag-isa." pagmamakaawa ko.

Hindi talaga ako sanay mag-isa eh.

Wag niyo akong husgahan ha.

Porket anak ni Ares , the God of War di na natatakot.

Yun talaga weakness ko eh ang maging mag-isa.

*Flashback

"Hi welcome sa San Antonio Integrated Elementary School!" sabi nung babaeng nasa harap ng gate.

Bago lang ako dito sa paaralan na'to.

Kahit kelan naman di ako naging loyal sa mga paaralan ko.

Every year linilipat ako ni Mama ng paaralan.

Naalala ko pa nung Grade 1 ako sa paaralan namin sa Laguna , nakipag-away ako sa isang bata at nabali ko yung kamay niya.

At namaintain ko yun hanggang nag-grade 3 ko.

Nung Grade 4 naman ako sa Sampaloc naka-blackeye ako ng tatlong bully na estudyante kasi kinuha yung baon ko.

Isang buwan din sila di nakapasok kasi naging critical yung mga kondisyon nila.

Pero wala akong pinagsisihan nun kahit isa.

Ok lang sa akin mapunta sa principal's office.

At least lahat ng atensyon ng guro na sa'kin.

"Oh anak? Magpakabait ka dito ha. Grade 5 kana sana naman matuto ka ng maging mabait. I love you anak" sabi ni Mommy habang hinatid ako papuntang hallway.

Naawa na ako ni Mommy.

Every year kami lumilipat ng paaralan kasi kundi expelled , suspended naman ako o di kaya ibaban na sa paaralan.

Pero at least nasa akin atensyon nila.

"Sige mom! I'll try my best. I love you too." tumakbo na ako papunta sa school grounds kung saan magsisimula na orientation namin.

Excited na akong magkaroon ng mga kasquad.

Madali lang natapos ang Orientation namin.

Agad kaming pinapasok sa room namin.

Grade 5 - Aries.

Mas lalo ko pang nagustahan ang school na to sa pangalan ng section namin.

Di ko alam kung bakit napakakomportable ko sa pangalan na'to.

"Good morning class! Im Mrs. Generous Cariño. Im your class adviser for the whole school year." Sabay tingin niya sa akin.

Nakakatakot ang titig ni Mrs.Cariño na para bang gusto niya akong kainin.

"Oh I see. A transferee. Okay. Introduce yourself to the class!"

"Ah ako po?" tanong ko.

"Bakit may iba pa bang transferee dito? Bilis! Nakakaubos ka ng oras ah."

The Chosen OnesWhere stories live. Discover now