Rymsys' POV
Dalawang araw na.
Dalawang araw na ang nakalipas simula nung naconfine si Lily sa clinic.
Ngayon okay na siya.
Balik pangungulit na naman sa'kin.
Sa katunayan nga andito kami ngayun sa kwarto ko. Ako nakahiga dito sa couch ko habang nakapikit ang mga mata. Eh, paano kasi yung kama ko inoccupy na ng pinsan kong baliw.
Habang si Lily naman, parang bata na naglalaro ng justice league toys niya.
Palaging sinasabihan niya na si Wonderwoman talaga pinakamaganda.
Ta's bigla na namang magagalit na para bang may umaaway sa kanya na mas maganda parin daw si wonderwoman kesa sa kanya.
Mukhang may topak nga 'tong anak ni Apollo.
"Hoy! Rym!" naramdaman ko ang binato na unan sa'kin ni Lily.
Kinuha ko yung unang ibinato niya sa'kin.
"Oh ano?!" pagrereklamo ko. "Alam mo namang natutulog yung tao eh!"
"Che! Tulog ka diyan." sagot niya.
Sakit sa ulo 'tong pinsang 'to.
Di makausap ng maayos.
"Nag-ano. Nagtext si Kate. Punta raw tayo ng Library."
Hinablot ko yung cellphone na gamit niya.
At oo nga naman pinapapunta kami sa Library.
"Eh. Bakit ba? Vacant na'tin ngayon. Kadalasan tumatambay lang tayo ng Dorm." pagtataka kong sabi kay Lily.
"Ewan ko nga eh couz. Pero lets go na!"
Lumabas na kami ng room.
Nakita namin sina Drake, Bolt , Kael , Zoey, at Keira na nasa dining table nag-uusap.
"Oh? Guys ayan na pala sina Rym oh." sigaw ni Drake habang nakatingin sa'min.
"Hoy Drake! May utang ka pa sa'kin ha! Ipapapatay pa kita sa mga squad ko." sabi ni Lily.
Hahay! Itong pinsan 'kong to, kahit kelan di na naging seryoso sa pagsasalita.
"Okay guys. Were all here, now lets go." pagputol ni Bolt sa bangayan nina Drake. "Chris and the others are waiting us at the Library."
"Una na'ko guys ha! Babe , see you there" sabay kindat ni Drake kay Keira.
At bago pa man makapagreact itong si Keira ay kumaripas na ng takbo si Drake na alam kong any second by now ay nakarating na sa Library.
"Pssh. Yung mokong na yun! Ba't pa ba kasi naging anak ni Hermes!" rinig kong pagmurmur ni Keira habang naglalakad kami papuntang Library.
"Bolt? Ano ba ang pag-uusapan natin ngayon? Ba't parang ang seryoso ng mga bagay na malalaman natin ngayon?" di ko na matiis ang sarili ko, talagang napakacurious ko na sa mga nangyayari.
"You'll know Rym. You'll know." tinapik niya lang ako sa braso at nagpatuloy na siyang maglakad, habang ako nakatayo parin rito sa harap ng isang auditorium.
Hindi ko na nakita ang Chosen Ones.
Kaya napagpasyahan kong pumasok nalang sa Auditorium kasi may nasesense akong kakaiba na aura ng nanggaling sa loob.
Sa laking gulat ko, nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa gitna ng stage.
Napansin kong nakatalikod lang ito.
YOU ARE READING
The Chosen Ones
FantasyBased on Greek Mythology Stories Modern teens (Half god / half mortal) Manifold (adj.) - many;various Chronicles (Noun) - story;tales Welcome to the TCOA , Halfbloods! Here we'll help you to discover your true nature , kind and what you really ar...