Opening Ceremony

54 2 3
                                    

Rymsys' POV

Opening ceremony nga pala tong pupuntahan ko.

Naka "Tsinelas lang pala susuotin mo cousin? Ang cheap mo naman! Tara daan muna tayo sa store para bumili ng sapatos mo!" magbibihis na nga sana ako ng sapatos eh kaso hinila na ako ni Lily papalabas ng quarter namin.

Di na kami nakapagpaalam sa iba.

Ang sakit na ng balikat ko sa kakahatak nito ni Lil.

Di pa nga to fully recovered eh napakalakas na.

Ano pa kaya kung fully recovered na to.

"Te-te-teka nga lang Lil! Saan ba talaga tong shop na'to ha? Ang layo na natin sa quarter!" Nakailang liko na kami sa bawat kanto na nakikita namin.

Mukhang nililigaw atah ako ng pinsan kong to ah.

"Pot-" gusto ko na sanang magreklamo kaso naunahan ako ni Lily.

"Andito na tayo couz!" sambit niya "Welcome to Hephaestus' store cousin! All tenants here are all nymphs made by Hephaestus!" pagpaalala niya.

Naglakad kami papunta sa loob.

"Lily sino ba magbabayad sa bibilhin kong sapatos eh ang hatalang mamahalin lahat nang sapatos dito." Bulong ko sa kanya. "At gawa pa sa mga mamahaling hilaw na materyales. Tong isang to gawa sa ginto!" at sino bang baliw ang magsusuot ng gintong sapatos?!

"Chill my bruh! I meant my couz! Mayaman si Ante Artemis! Im sure puno ng pera bank account mo." sabi ni Lily.

Pero teka?

Bank account?

Ako?

"Couz ito oh! Im sure babagay ito sayo! Black and white tas may logo na crescent moon sa gilid. Bagay na bagay para sa isang anak ni Artemis." sabay bigay ng sapatos nito sa akin. "Sukatin mo dali!"

"Teka lang couz ha! Unang-una , mamahalin lahat ng bagay nandito. Pangalawa , wala akong bank account. At lalo na pangatlo!! Wala akong pera!! Lily , tara na sa ceremony yung lumang sneakers ko nalang susuotin ko Lily!" pagmamakaawa ko sa kanya.

Binigyan nya lang ako na seryoso-ka-bang-wala-ka-talagang-pera look.

"Couz! Suotin mo yan ha! Kundi kikilitiin kita hanggang sa tamadin ako!" Pagbabanta niya sa akin.

At pag ito nagbanta.

Hindi ito tinatamad.

Alam ko ring totohanin talaga niya yun.

"Cge na nga. Pero wala talaga akong pera eh!" I insisted.

"Tenant! Halika nga rito. Paki-dala na to sa counter. Susuotin na niya to. At saka anak to ni Artemis. At ako ni Apollo kaya may 80% discount kami dito." pagbabanta ni Lily sa tenant na parang pag di sumunod yung tenant uubusin niya yung buhay nito.

"Oh okay po madam! As you wish." sagot ng kawawang tenant.

Agad naman itong pinacounter ang sapatos ko.

Halatang halata na takot tong tenant kay Lily.

"Uhm Maam at Sir tapos ko na pong ipacounter. Bayad na lang ho ang kulang. Dun na ho kayo sa tenant sa counter magbayad." sabi ng tenant sa pagbalik nito.

"Sige salamat." Ako na sumagot bago pa uminit tong ulo ni Lily.

Agad kaming lumakad papuntang counter ni Lily para narin di niya mapag-initan ng ulo yung kawawang tenant.

The Chosen OnesWhere stories live. Discover now