Prologo

197 7 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa mga konstelasyong piniling igalang ng mga mamamayan ng sansinukob sa paniniwalang sila ang gabay nila sakanilang araw-araw na pamumuhay.

'Di nagtagal ay hiniling na ng mga ito ang tunay na presesya at pagkabuo ng itinuturing na liwanag sa mga diyos at diyosa .Dahil dito nagkaroon nang pagpupulong ang mga diyos.

Habang si Hestia ay pinapanatili ang apoy sa kaharian ng Olympus, ang mga diyos ay nagkakaroon na nang mga dikusyong ayon o di naayon sa isat-isa.

"Kung bubuhayin natin ang mga walang kuwentang bituin na yan ay maaring hindi na tayo ang sambahin ng mga tao kundi sila, maari itong maging sanhi ng pagkasira ng Olympus at pagkawala ng ating immortalidad!" ani Aries ang diyos ng digmaan habang ang mga mata'y tila santelmong nagliliyab

"Sang ayon ako sa sinasabi Ni Aries, maaring mawala rin ang aking liwanag kung may panibagong bituin pang sasambahin" sabat naman Ni Apollo sa usapan

"Diyaan ako hindi papayag, ang mga tao ay mga mortal. Sila ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang takbo ng Olympus. Hindi naman siguro masama kung tayo ay tutupad naman sa kanilang mga kkahilingan Patawad" kontra ni Artemis

"Tama, maari ring makatulong ang mga iyon sa pagapapalakas ng mga tao. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay mayroon tayo para sa kanila Hindi ba? May mga Laban tayo kontra Titan" si Athena

"Marahil ay tama nga kayo, may mg maaring masamang mangyari at meroon ding mag dudulot ng kabutihan. Sa tingin ko'y kailangan natin ng mungakahi ng aking nakatatandang kapatid. Ano sa tingin mo Hestia?" Tanong Ni Zeus sa kanyang kapatid. Tumayo naman ito at humarap sa mga kapwa diyos at diyosa.

"Kailangan nang tagapangalaga ng apoy, tubig, hangin, at lupa liban sa ating mga diyos upang kung magkaroon nang labanan sa pagitan nang mga diyos at mga titan na maaaring makaapekto sa dimensyon ng mga tao ay mayroong mga nilalang na kokontrol at magpapanatili ng balanse at kapayapaan sa mga nilalang at elemento. Tama si Artemis at Athena" sang ayon nito sa dalawa at bumalik sa dating puwesto.
Napag isip-isip ito nang labin-dalawang mga diyos at napagdesisyonang buhayin ang labin-dalawang ring piling konstelasyon.

Binuhay nila ang mga ito ayon sa kanilang kinabibilangang elemento.

Sa tubig:Cancer(♋), Pisces(♓), Aquarius(♒)
Sa hangin:Gemeni(♊),Libra(♎),
Sagittarius (♐)
Sa Lupa:Taurus(♉), Virgo(♍),Leo (♌)
Sa Apoy:Aries(♈), Scorpio(♏), Capricorn(♑)

Himubog sila ng mga katawan na siyang binigyan nila ng buhay at ipinadala sa himpapawid gamit ang kapangyarihan nang diyos nang hangin na si Zephyr.

Habang sila ay patungo sa kalupaan, sumabay ang mga malalakas na pagapakawala nang langit nang mga kulog at kidlat na dahilan ng pagkagitla ng mga tao na nagsimulang lumabas sa kani-kanilang mga silong . Nang sila ay makababa sa lupa, sinalubong sila nang mga taong di makapaniwala at galak sa kanilang nakikita.

"Tapos na ang inyong pagsamo. Ang inyong hinihintay na mga nilalang ay naririto na upang kayo'y paglingkuran. Kami ang magbabalanse sa mga elemento at magpapanatili nang kapayapaan sa dimensyong ito"sabi ni Aquarius habang inaalon alon pa ang kanyang asul na buhok na tila ay parte nang karagatan dala nang malakas na hanging panggabi. Ilang sandali lamang ang lumipas, sila'y naging mga mumunting liwanang na tila mga bituing kalauna'y naglaho 'rin sa dilim.

Nagsaya ang lahat at nagdiwang sa magandang balitang natanggap mula sa mga nilalang.

"KAMPAY PARA SA PAGDATING NG MGA CELESTIAL BEINGS!"

"KAMPAY!"



Sa kabilang banda,

Halos mag li-limangdaang taon na ang nakararaan nang dumating ang mga celestial beings. Natuto ang mga tao sa mundong iyon ng mahika dahil na rin sa tulong nang mga ito, ilang mga tao rin ang tinuruang nilang kumontrol ng mga elemento. Mga elemental holders ang tawag sa kanila, ang may pinakamalakas na kapangyarihan, ang taong may taglay na elementong kapangyarihan.

The Celestial Guardians (On-Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon