Kabanata 6

41 8 0
                                    

RAINIE

Nakahiga na ako ngayon dito sa kama ko habang may face mask na nakalagay sa aking mukha. Sa left side nitong room, yung mga mangkukulam. Sa right side naman, ako si Omega at ang isang bakanteng kama.

Kanino kaya iyon? May laman na mga dress yung closet eh, siguro may nagmamay-ari na doon. (Hehehe, pinakialaman ko kasi kanina. Tulog naman na yung apat).

Parang ang classic noong mga designs nong mga dress, pero ang gaganda! Yung feeling na mag susuot ka pa ng bakal na gerdel sa bewang mo? Gusto ko tuloy isuot. Ang mga gamit naman ay parang antigo na. Matanong nga bukas kung sino may ari niyan.

Ilang saglit lang ay natigil ako sa pag iisip ng ma-realized ko

"Low bat pala ako!"

Bumangon ako at hinanap ang charger ko sa bag. Isinaksak ko iyon sa cellphone ko at ang kabilang dulo ay isinaksak ko sa socket na kadikit nang lamisahan na nasa tabi nang higaan ko. Sakto pagkagising ko bukas, full naman sa siguro.

Bago ako mahigang muli ay tinanggal ko muna ang facial mask ko saka ko itinapon sa maliit na trashbin sa ilalim ng kama ko. Pagkatapos ay ipinatong ko ang kumot na hello kitty ang design sa katawan ko bilang pag pigil sa lamig ng air conditioner.

"I can't sleep!"

Hindi naman dahil sa mainit, may aircon nga 'di ba? Dahil lang siguro may tatlong mangkukulam na kasama kong natutulog kaya alert na alert ang utak ko. Baka mamaya, kulamin ako nang mga yan eh, ewan ko ba kung paano nakatulog itong si Omega?

Napaupo ako dahil may isang bagay akong naisip.

"Novel is a celestial guardian? Tss. Bakit kaya siya ang napili ni Libra? Sabagay baka matulungan siya ni Libra na i-balance ang eye liner niya. Hahaha!"

Dahil nga hindi ako makatulog, napagdesisyunan kong ayusin na pamang ang mga damit ko.

Inilagay ko ang mga sapatos ko sa isang maliit na kabinet na gawa sa glass malapit sa closet ko.

"Hayan! Naka display na kayo!" galak kong wika. Bigla namang gumalaw si Rhia at nagkamot nang jaw. Napalingon tuloy ako.

Binuksan ko ang closet ko. Nakita kong may mga hangers na dito kaya napagdesisyunan kong isabit ang mga dress ko. May mga drawers din ito. Kaya itinupi ko ang mga pantalon at mga blouse ko. Inilagay ko sila sa hiwalay na drawer. Tapos ang hello kitty kong mga panty ay inilagay ko sa hiwalay ding drawer, gayon din ang mga bra ko. Buti na lang at may nakalagay na mga pajama tapos bestida dito kaya may maisusuot ako kapag gabi.

Bakit nga kaya 'di na lang sila maglagay dito nang uniform? Nasabi kasi nitong si Omega sa akin na sa room daw ibibigay ang uniform. So kailangan doon pa ako sa CR nang room magpapalit? Nakaka hassel kaya yon.

Nagtungo naman ako sa kama ko. May mini cabinet ito na puwede mong lagyan nang mga display. Ganoon din sa kanila.

Kay Rhia, ang inilagay niyang display ay puro mga hayop. Sabagay ganoon naman siya eh. Kay Novel naman, mga maliliit na figurine nang magkakaibigan. Kay Cindy, puro mga Angel. Totoo ba yan?

Kay Omega naman, puros empty botles of potions, may sentimental value daw kasi ang mga yun sa kanya eh, ewan ko ba.

Sa bakanteng kama, mga antigong vases, bracelets ect. Basta antigo mga andoon!

At sa akin...

Tadaa! Mga stuff toys na hello kitty!

Isa-isa kong dinisplay ang mga ito. Pagkatapos ay inilagay ko ang mga maleta ko sa isang bahagi nang closet ko na walang laman. Nang matapos na ako ay nahiga ako at hindi namalayang nakatulog.

The Celestial Guardians (On-Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon