Author's note
I have added some parts sa chapter 8 so I recommend na ire-read niyo 'yon. Pag kasi hindi ko 'yon dinagdagan ay magkakaroon ng malaking plot hole sa kuwento. Enjoy!
***KIT
Kasalukuyan akong naglalakad-lakad dito sa labas ng green building
Kani-kanina lamang ay kasama ko si James, kaso humiwalay rin noong makita si Jade. I think he has a huge crush on her, kaso hindi niya lang inaamin.Malamig ang simoy ng hangin ng madaling araw. 4 am palang kasi. Mas hinigpitan ko pa ang kapit ko sa aking jacket ng umihip pa ang diyos ng hangin.
"Brrrr, it's so cold" bulong ko sa sarli ko sabay halukip-kip ng dalawang kamay sa bulsa ng leather jacket na suot ko.
Napagdesisyunan kong mag jogging sa kabuuan ng Phoenix Academy para uminit ang katawan ko, buti ay naka snickers ako kaya hindi na ako bumalik pa sa room namin.
Asking about Alpha and Caesar?
Knock out sa kani-kanilang kama, and wag muna sila! Minsan na nga lang ako magkakaroon ng POV e sila pa rin ang tinutukoy? Ako naman! Guwapo rin naman ako a, at may maibubuga rin ako kung katawan lang ang labanan. Kaso nga lang madalas ay napaka slow poke ko.Patuloy pa rin ako sa pag takbo sa buong Academy ng hindi man lang ako pinagpawisan, natural, malamig e. Pero uminit naman ng kaunti ang pakiramdam ko kaya hindi nasayang ang paggamit ko sa aking enerhiya.
Ilang sandali pa ay napagod na ako kaya pansamantala akong huminto saka naupo sa isang bench at nag-summon ng isang Ape.
Oo Ape, extinct na sila diyan sa world niyo no? Oo? Kitams!
Nasabi na ba nila na animal summoner ako? Eh 'yong nagpanggap ako bilang stalker ni Rainie? Alam niyo ba kung gaano kahirap maging stalker nang isang maldita?
It was like living in the world of the devine comedy. My life was an inferno.
Naks! Lalim, coming from a slow poke like me.Mahirap, nakaka-banas, uhm, mahirap ulit. Try to anticipate to be her stalker na lang para mas maintindihan niyo ang ibig kong sabihin. For experience na rin 'di ba? Malay niyo required na pagdating ng araw ang pagkakaroon ng karanasan sa pagiging stalker kung mag-a-apply ng trabaho 'di ba? Tulad na lang kung gusto mong maging holdapper, or kiddnapper? At least hindi na kayo mag hihirap pa.
I'm a very good adviser kaya, 'di ba Teka... Nakakailang "'di ba" na ba ako?
Nabaling ang aking tingin sa nagliliwang ko na palang kamay. Ilang saglit lamang ay isang puti't mabalahibong nilalang ang lumabas sa aking balintataw. Hinigpitan ko ang pagkuyom ng aking mga kamao saka muling nagmulat ng mga mata.
"Wa uu wa e ka yuoak kei, myo uu ah! Ah!? (Can you bring me a botled water from my room?)" I asked.
"Kwa ik Uu e yaku uuah! Ehu? (where is your room?)" tanong nito na nagkakamot ng ulo.
"Ik kab uyef juke ah ih! (The same place!) inis na sagot ko rito dulot na rin siguro ng matinding pagka uhaw.
Mabilis itong nagta-takbo pagtungo sa lugar na tinutukoy ko, hindi na magiging problema ang pag pasok niya sa kuwarto namin dahil hindi naman ito naka-lock.
By the ways, galing ko sa Monkey language no--
"Sino yung Ape na 'yon? Siyota mo?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita si Novel na biglang tumabi sa akin.
"Oo-- what? Are you insane? Ungoy 'yon uy!" wika ko saka bahagyang lumayo sa kaniya dulot ng pagka ilang.
Napaka FC naman ng babaeng ito! Baka nakakalimutan niya pang may kasalanan siya sa 'kin?
BINABASA MO ANG
The Celestial Guardians (On-Hold)
FantasyA great danger is waiting--ito ang madalas sabihin ni Rainie sa sarili sa tuwing balak na niyang sumuko at tumigil. Ngunit ito na siya, ito ang nakatakda. Kailangan nilang iligtas ang mundo sa paghihiganti ng reyna ng kadilimang si Darkina na minsan...