Kabanata 4

50 8 0
                                    

BRACE

"Ate Rainie? Ate Rainie? Nasaan ka?" Tanong ko habang hawak-hawak ang autograph note book ko. Pumasok ako sa kuwarto niyang dala ang kaba sa dibdib.

"Ate? Galit ka ba?"

Tinignan ko siya sa bukas na banyo ngunit wala siya. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

"Ate?!" pagtawag ko sa kaniya.

Lumabas ako nang banyo at nakita ang isang puting papel na nakapatong sa lamisahan ni ate Rainie. Kinuha ko 'yon at unti-unting binuklat habang patuloy na dumadaloy ang masaganang luha mula sa aking mga mata.

"To my beloved cousin/brother,

Patawarin mo sana ako dahil iniwan kita.  Ipinangako ko sa 'yo na hinding hindi ako aalis pero ito, wala ako ngayon sa tabi mo. Wag ka sanang magagalit sa akin ha?

Ito lang kasi ang natatanging paraan para hindi ako tuluyang mawala sayo, pangako, pagkatapos nang dalawang buwan, babalik ako sa iyo.

Paki alagaan sila Hello Kitty huh? Lagi mong tatandaan. Mahal na mahal ka ni Ate.

Love ate Rainie"

Dahil sa nabasa ko ay tuluyan nang sumabog ang nararamfaman ko. She promised me, pero umalis pa din siya.  Kaya niyakap ko ang sulat niya. Pagkatapos ay binuksan ko ang autograph notebook at nakita kong nag sign ang prince.

"I don't need this sign, what I need is ate Rainie!"

Tumakbo ako sa papalabas nang bahay na sobrang umiiyak na hindi alintana ang mg pagtawag na ginawa nila ate Sunshine at nay Ventura.

"Ate Rainie! Come back! Ate!" Sigaw ko kahit na alam kong ate Raine will not hear me. Tatakbo na sana ako palabas nang gate pero napako sa lupa ang dalawa kong paa. Gumawa pala ng ice chain si Mom na nagkulong sa akin.

"Stop it Brace!" mariing sigaw ni Mom.

Lumapit sa akin si Mom kasama si Dad niyakap ako.

"Iniwan ako ni ate, 'di na siya babalik. She will never come back!" Napahawak ako sa aking mga mata upang ikubli ang mga luhang nagmumula rito.  Ilang segundo lamang ay bigla akong napaluhod at lumaki ang katawan ko. Napasigaw ako ng sobra dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. I became a cheetah. Ito ang level two nang aking ability!

Kumawala ako sa rehas na yelo na gawa ni Mom at tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero isa lang ang alam ko, susundan ko pa rin si ate Rainie.

"Brace!" Narinig ko pang sigaw ni mom kaya napalingon ako at nakita ko si dad, hinahabol niya ako. I transformed into a falcon saka ako lumipad nang lumipad.

"Wag niyo akong pipigilan! Pupunta ako kay ate Rainie!" Sigaw ko.

Bigla akong nanghina at bumalik sa pagiging tao. I overused my power.
Konti na lang at tatama na ako sa lupa. Ngunit bago pa man ako mawalan ng ulirat, isang pares nang bisig ang sa aki'y sumalo.

RAINIE

Naalimpungatan ako dahil sa isang malamig na boses na gumising sa akin.

"We're here" muli nitong sabi. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at nakita ng isang napaka guwapong lalaki.

"Nasa langit na ba ako? Bakit nandito si Apollo sa harapan ko?"

"Rainie!" sigaw nito kaya bigla akong napa balikwas sa kotse niya at nauntog sa ceiling nito.

"Ouch!" pagdaing ko sabay hawak sa aking ulo. Napailing na lamang siya bago lumabas sa kotse at pinagbuksan ako.

Bigla akong tinamaan ng saltik sa utak. Magpapabebe ako para buhatin niya ako papunta sa loob. Yung bridal style, ehe!!!

The Celestial Guardians (On-Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon