Kabanata 11

36 7 2
                                    

Here's the list of the celestial guardians nga pala to better understand the story.

Water:
*Cancer: James Stone16
*Pisces: Andy Gregory,
Andrea Gregory[(twin and both 17)]
*Aquarius: Rainie Crystalpain-17

Air:
*Gemini: Luke Alpha Perez,
Mystica Omega Perez (18, twins)
*Libra: Novel Hang-17
*Sagittarius: Unknown

Earth:
*Taurus: Kit Hence-17
*Virgo: Melinda Cristobal-18
*Leo: Caesar Stone-18

Fire:
*Aries: Jade Slumber-16
*Scorpio: Louise Taylor-19
*Capricorn: Gary Jackson-19

Enjoy!

***

RAINIE

Kasalukuyan akong nakaupo sa training center nitong school ngayon habang hinihintay ang pagdating ng iba pang mga celestial guardians. Nakuwento na nila kuya Alpha (ang guwapo't charming kong kuya) na bali labin-apat daw lahat kaming mga celestial guardians. Dalawa raw kasi ang bearer nina Pisces at Gemini. And hindi pa natatagpuan ang isa pang lost guardian.

At alam mo ba ang best part ng aking paghihintay?

Andito si Caesar and he is wearing a fuckin' blue eye glasses habang nagbabasa ng novel, naka sandal siya sa pader kaya para tuloy niyang iminu-model ang eye glasses. Ma-stolen shot nga ito.

Inilabas ko ang phone ko at siyempre, tinignan ko muna ang shutter sound at flash kung nakasindi. Mahirap na at baka mahuli pa ako dito. Itinutok ko ang phone ko sa kanya nang wala siyang kamalay malay.I'm gonna press it na!

In 1,

2,

--

*tingtininingtingting*

"What the!"

Halos mabitawan ko ang phone ko nang magulat sa biglaang pag ring nito. Napatingin naman si Ceasar sa direksyon ko na nakakunot ang noo.

"Sorry" nahihiya kong wika rito saka nag peace sign. Sinagot ko naman ang tumatawag na walang ano-ano.

"Hello! Oh? Bakit? Istorbo ka naman kasi e!" galit na wika ko sa kabilang linya. Teka, sino ba ito?

Kunot noon kong tinignan kung sino ang tumatawag.

"Kuya Alpha?" napangiwi ako sa nalaman.

"A-eh uhm- h-hello?--" muli ay itinutok ko ang phone sa aking taenga.

"Naistorbo ba kita? Sige mamaya na lang" putol niya sa akin.

"Ay ano! Kuya! Hindi! Y-yung lamok kasi e, istorbo! Tsupi! Kita mo kuya, nangangagat!" pagdadahilan ko. Nakarinig lamang ako ng mga yapak sa kabilang linya. Nagalit na ata!

"Kuya, may palaka ka bang kakilala na puwedeng kumain ng mga ito? Umamin ka kuya, nililinis ba ng janitor ang training center na ito?" pagbabakasakali kong ma-linlang siya.

"Of course! Hahaha! Ewan ko nga kung bakit nagkaroon nanaman diyan. Hayaan mo, magpapa-spray ako kay kuya janitor ng insect repellent" tatawa-tawang sagot nito.

"Hala! Paano na yan, may asthma ako. Kuya puwedeng katol na lang? Yung baygon, powerful yun!" wika ko.

"Uhm, Rainie. I think mas malala pa ang katol kaysa sa insect repellent" sabi niya sa kabilang linya. Eh sa nawawalan na nga ako ng topic para mai-dahilan ang mga bagay-bagay?

"Ay oo nga" palusot kong muli sabay kagat sa aking mga kuko.

"Kuya palaka na lang mas mabuti. Meron ka ba no'n?" tanong kong muli. Napatingin ako kay Caesar na ngayon ay bumalik na pala sa pagbabasa niya.

The Celestial Guardians (On-Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon