End of flashback
Pagkatapos noon ay dumating ang mga sundalo nang bansang Fellini at nang Clové upang iligtas kami.
Nag agaw buhay ako noon sa ospital. Tanging si mom at dad lang ang nagbabantay sa akin. Nang maka recover ako, lahat nang mga kaibigan ko ay naroon, maliban n lang kay Rainie.
Kinalinutan na niya ako.
Simula noon hindi ko na kinilalang kaibigan ang mga taong iyon. Pare pareho lamang sila!
Tumayo ako at pumikit. Dinamdam ko ang malamig na simoy nang pang umagang hangin nang isang pamilyar na boses ang narinig kong sumigaw sa tabi ko.
"Wag mong itutuloy ang balak mo!" Sigaw nito.
"Ahhh!" dahil sa 'di inaasahang pagkakataong iyon, dumulas ang isa kong paa dahilan nang aking muntik na pagkahulog. Salamat sa matipunong bisig na nagligtas sa akin mula rito.
Hinila nito ako pababa at niyakap. Ramdam ko mula sa pagkakayakap niya ang kanyang matitigas na abs. Yummy siguro ito.
"Are you alright?" tanong nito.
Tiningala ko siya at nakita ang isang pamilyar na guwapong mukha.
"Kit?!" Tanong ko sabay bitiw sa pagkaka yakap niya.
"Tinatanong ko kung okey ka lang?" muli nitong sabi. Sinuntok ko siya sa kanyang chest.
"Aray! Bakit mo ginawa yun!" naihirapang taning nito niya sabay hipo sa kanyang dibdib.
"Bakit mo rin ginawa yun?" Tanong ko sabay taas nang kilay at pameywang sa kanya.
"Ang alin?" tanong nito sabay hawak sa baba niya.
"Ang pagyakap sa akin!" makahulugan kong sigaw habang nagtataray parin.
"Huh? 'Yon ba? Akala ko kasi mahuhulog ka eh" sagot naman nito. I rolled my eyes.
"Nakalimutan mo na ba? I'm the bearer of Libra, I can manipulate gravity. Eh ano naman kung mahulog ako? Teka. Tsina-chansingan mo ba ako?" nmilog ang aking mga mata sa tanong kong 'yon.
"Hindi ah! Akala ko kasi tatalon at mahuhulog ka eh!" deffensive na sago nito.
"Hindi ba kasasabi ko lang na I can manipulate gravity? Ano yun? Tanga-tangahan lang ang peg kuya?" sarkastiko kong tanong at mas tinaasan pa ko pa ang kilay ko.
"Hmp! Diyan ka na nga! Nagmamalasakit na nga lang yung tao eh" sabi nito at naglakad palayo.
"Aalis ka? "Tanong ko
"Oo! Bakit, sasama ka?!" masungit m tugon nito.
"Hindi" sabi ko
"So ano nga?" Muli nitong tanong.
"Gusto ko lang sanang linawin. Kung aalis ka dito sa rooftop, andun ang pinto palabas, papunta ka lang sa kabilang dulo nang rooftop eh" munkahi ko sabay turo sa kaliwa
"Ay oo nga pala no! Salamat!" sabi nito sabay kamot sa likod ng kanyang ulo.
"Ay galit nga pala ako sa iyo!" nagbago ang ekspersyon ng mukha nito at tumalikod. Tuluyan na itong pumasok sa loob nang pinto.
Tss.
Umikot ako at muling tumingin sa baba. Umupo ako at kinuha ang phone ko. Nagsalamin ako at tinignan ang mukha ko.
Kumalat na pala ang eye liner ko.
Pinunasan ko ito gamit ang panyong nasa bulsa ko.
Hanggang kailan kaya ako gagamit nang makapal na eye liner para lang ipakita na hindi na ako ang dating Novel na kilala nila at nagbago na ako?
BINABASA MO ANG
The Celestial Guardians (On-Hold)
FantasyA great danger is waiting--ito ang madalas sabihin ni Rainie sa sarili sa tuwing balak na niyang sumuko at tumigil. Ngunit ito na siya, ito ang nakatakda. Kailangan nilang iligtas ang mundo sa paghihiganti ng reyna ng kadilimang si Darkina na minsan...