Kabanata 5

39 9 0
                                    

"Kayo?/Ikaw?"

Napakunot ang aking noo sa tagpong iyon. Ang tatlo sa pinaka kinamumuhian kong tao sa dimensyong ito ay narito ngayon sa harap ko at mukhng gagawing miserable ang buhay ko!

"Sige na, umalis na kayo, thankyou!" Pagpapasalamat ko kay James ng nakangiti. Nang makalayo na silang dalawa ay biglang napataas ang kilay ko at tumingin sa mga impaktitang nasa harapan ko.

Ano na nga bang pangalan ng mga babaeng ito?

"Bakit kayo nandito? Sino kayo? At bakit kayo nasa room ko?" sunod-sunod kong tanong.

"Hep-hep-hep! Isa-isa lang. Mahina kalaban!" wika ng babaeng may makapal na eye liner. Siguro talaga frustrated to na Ariana Grande wannabe kaya dinaan na lang sa pag gaya sa on fleek na eye liner ni Ariana. Pero shet naman, binaboy niya!

"Bakit kami nandito? Kasi nagaaral kami dito, shempre. At excuse me, di mo lang to room ano? Share kaya tayo" dagdag pa ni girl with thick thick eye liner. Napa irap na lang ako sa kanilang tatlo. Mag sasalita na sana ako ng biglang mapasigaw ang clown.

"Ahhh! Girls, she doesn't kilala us again, I'm going to himatay na here talaga" sabi ni girl with thick lipstick.

"Wow! Grabe teh! Kanina pa 'yang tanong na yan ngayon mo lang na process?"

Ngunit dahil ayokong mastress sa life ay hindi na ako nagsalita pa. Sa halip ay inawrahan ko sila saka umirap ng bongang bonga.

"Ambisyosa! Kaklase mo kaya kami! 'di mo talaga kami kilala? Puwes, magpapakilala kami, girls" sabi ni girl with thick foundation

"We are! The white--" napaigtad ako nang na realized na gagawa nanaman sila ng kabobohan. Ngunit dahil mabait ako, pipigilan ko sila.

"Ah, oo. The white bitches nang old school ko, Rhia the Clown, Cindy the white lady, and Novel the black eyed zombie'' sabi ko sabay turo sa kanila isa-isa.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Rhia the clown.

"Well bukod sa gasgas na ang line niyo ng pagpapakilala, tandang tanda ko pa 'yang mga humanoid niyong mukha kaya after ilang minuto, naalala ko na rin ang mga pangalan niyo!" proud kong pag e-explain sa kanila.

"How could you! Punong puno na ako sa 'yo!" Sabi ni Novel at biglang tumaas ang mga buhok niya, ayan tuloy kitang kita ang mga split ends niya.

Biglang bumaliktad ang kanyang katawan, ngayo'y nakaapak na siya sa ceiling ng kuwarto. Itinaas niya and dalawang kamay
kasabay ng pagbigat ng aking pakiramdam. Nagsimulang magkaroon nang lamat ang sahig na inaapakan ko kaya medyon nabahala na ako.

Ilang sandali pa ay hindi na nakaya pa  ng sapatos ko ang bigat kaya nabali ang heels ito.

"ANG HEELS KO!!!" Mariin kong sigaw  at tumingin nang masama sa babeng sasapian.

"Ano ka na ngayon?" Sabi nito at mas pinabigat pa ang katawan ko.

Kahit mahirap ay pinilit kong binuhat lamisahan sa tabi ko saka ko ibinato  sa direksyon nang nakatiwarik na zombie.

Nakailag siya!

Bumabaon parin ang mga paa ko. Kasalukuyan akong pinagtatawanan nang dalawang abubot nitong zombie na may black eye.

Nag init ang aking kalooban dahil sa inis. Muli ko sana itong batuhin ng isa sa mga bagahe ko ng biglang isang malamig na sensasyon ang naramdaman ko habang patuloy ang pagbaon ko sa sahig. Nabahala na ako ng tuluyan.

"Naku! Baka mahulog ako sa kabilang floor! Anong magic ba ito? Akala ko ba ay witch siya?"

Mas lumamig pa ang pakiramdam ko, tila binabalutan ako nang yelo mula paa pataas sa aking ulo. Hindi ko kinaya ang nakasuaunog na lamig at tuluyan na akong napasigaw.

The Celestial Guardians (On-Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon