Nanay

14 2 0
                                        

Tatlumpung taon at mahigit na,
Simula nang tayo ay huling magkita.
Musmos ako at walang kamuwang-muwang pa,
Noong ako'y iwan mong mag-isa.

Hindi ko alam ang totoong dahilan,
Kung bakit kailangan mo akong iwanan.
Sinunod mo lamang ang gusto ng iyong damdamin,
Batid kong isinaalang-alang mo ang aking kapakanan.

Saan kaya kita hahagilapin?
Kailan kaya kita yayakapin?
Sino-sino ang aking dapat na tatanungin?
Natitiis mo rin kayang ako ay hindi hanapin?

Sabik na sabik na akong ika'y makita ka.
Umaasang maramdaman kong muli ang yakap mong dakila.
Nananalanging tayo ay pagtagpuin na,
Upang ang puso ko ay tuluyan nang lumigaya.

Ngumiti. Nagmahal. SinaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon