Hindi ko inakala na makilala ka.
Hindi ko inakala na masisilayan kita.
Hindi ko inakala na mamahalin kita.
Mas lalong hindi ko inakala na mamahalin mo rin ako sinta.
Hindi ko inakala na mas malambing ka.
Hindi ko inakala na mas matalino ka.
Hindi ko inakala na mas mapagmahal ka.
Mas lalong hindi ko inakalang mapapa-ibig kita.
Isang kang reyna kung ituring nila.
Isa kang prinsesa kung pagmamasdan nila.
Isa kang babaeng pinagpala at ubod ng ganda.
Nagmahal ka pa sa isang tulad kong maralita.
Isa akong kawal sa palasyo ng reyna.
Isa akong alipin sa buhay mong prinsesa.
Isa akong lalaking mahirap pa sa daga.
Pero nagmahal ng tapat at totoo sa iyo sinta
Kaya hindi ko inakala na magiging tayo na.
Langit at lupa kung tayo'y kanilang pinagmamasdan pa.
Pero hindi mo sila pinansin at taas-noo mo akong ipinakilala.
Mahal na mahal mo ako higit pa sa anumang karangyaang mayroon ka.
Hindi ko talaga inakala...
Hinding-hindi ko inakala...
Na ikaw at ako ay magiging mag-asawa,
At tayo ngayon ay totoong kasal na.
![](https://img.wattpad.com/cover/109305052-288-k22249.jpg)
BINABASA MO ANG
Ngumiti. Nagmahal. Sinaktan
PuisiMinsan lang tayo kung Ngumiti at Magmahal pero sa huli Sasaktan at Masasaktan lang din pala. Thanks @missbulilit sa cover.