Panaghoy

14 0 0
                                    

Alam kong wala ka na dito sa mundo.

Alam kong tahimik na rin ang buhay mo.

Wala akong pinagsisihang naging anak mo ako.

Minahal ko rin po kayo, o Ina ko.

Ngayon, ibubuhos ko ang galit na nadarama ko,

Sa mapanghusgang mata na mga ng tatay ko.

Wala akong karapatang magalit sa ibang tao,

Pero bakit may karapatan din ba silang husgahan ako?

Kung alam mo lang ang naririnig kong mali na nagmula sa kanila.

Pinangandalakan nilang may dungis ang aking mukha,

Hindi nga ako karapat-dapat na maging anak niyang sinungaling at walang k'wenta.

Isang katulad kong lumaki na wala ka, mahal kong tunay na ina.

Bakit ganoon ang buhay ko, ina?

Bakit sadyang naging madamot ang tadhana?

Bakit kailangang isang tulad ko ang magdusa?

Bakit kailangang ako'y ay itakwil nila?

Masakit ang dibdib ko, parang winawasak unti-unti ang buong pagkatao ko.

Wala silang narinig sa akin na masasamang salita.

Ni katiting na galit sa harap nila ay hindi ko naisagawa.

Dahil hindi ko kakayanin ang magalit nang kusa.

Kuyom ang mga palad kong nagsusumamong sana'y tigilan na,

Tigilan nang pakialaman ang pribadong buhay ko na ngayo'y tahimik na.

Wala na ba akong karapatang mamuhay mag-isa?

Nagpakalayo na nga ako pero bakit nariyan pa rin sila?

Umiiyak ako ngayon at sumisigaw ang puso kong galit na galit!

Nais na manuntok at saktan ang sarili ko nang maramdaman ang sakit,

Upang mailabas ang pighating nasa dibdib ko na napakapait,

Dahil hindi ko kakayaning pati ako'y magkasakit.

Kung sana ay narito kayo sa aking tabi,
At hinahaplos ang luhaan kong pisngi,
Disin sana ay naibsan ang bigat ko sa pighati,
At nayakap pa kita nang higit sa kalungkutan kong ikinukubli.

Ngumiti. Nagmahal. SinaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon