Isa ka sa mga paborito ko,
paboritong kong paglaanan ng mga kanta ko,
mga kanta kong mula sa kaibuturan ng aking puso.
Puso kong sabik na makita kang muli,
muling maramdaman ang unang pintig nito na dati ay nasawi,
nasawi dahil hindi ako ang napiling mong maging iyo sa huli.
Huli man noong malaman ko na may mahal ka nang iba,
ibang tao na sa akin ay hindi mo naipakilala,
naipakilala mo lang noong hindi mo na kinayang maglihim pa.
Kung ako ba siya, mamahalin mo pa ba?
Kung ako ba siya, babalik ka pa ba?
Kung ako ba siya, buong puso mo ba akong mamahalin sinta?
Hindi man ako ang napili mo,
Hindi man ako ang tuluyang minahal mo,
Pero ramdam kong minahal mo rin nang kaunti ang pagiging ako.
Sana maging masaya ang inyong pagsasama.
Alam kong masakit na ika'y makita sa piling ng iba.
Pero paninindigan kong mamahalin pa rin kita, kahit pa na kasal ka na!

BINABASA MO ANG
Ngumiti. Nagmahal. Sinaktan
PoetryMinsan lang tayo kung Ngumiti at Magmahal pero sa huli Sasaktan at Masasaktan lang din pala. Thanks @missbulilit sa cover.