Kabaligtaran

34 3 0
                                    

Umiiyak ang buwan.
Nagtatangis ang araw.
Nalulunod ang karagatan.
Nahuhulog ang mga bituin.
Saan lulugar ang aking mga hinaing?

Nalulungkot ang mga bulaklak.
Nag-aaway ang mga punongkahoy.
Nagsasalpukan ang mga bangin.
Nababasa ang kabundukan.
Saan ang aking kakampi sa naghihingalong damdamin?

Naninigas na mga kandila.
Nagwawalang manibela.
Gumugulong na butas na gulong.
Nakakaing panis na pagkain.
Saan kaya ako nila pupulutin?

Tumigil ang pag-ikot ng mundo.
Wasak na wasak na ang puso ko.
Nadudurog na ang utak ko.
Nanunuyo na ang lalamunan ko.
Nagpapakatotoo naman ako sa harap ninyo.

Ngumiti. Nagmahal. SinaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon