Minahal mo sila nang buong-buo,
Pero puso nila para sa iyo'y kapiraso.
Nahahati ba ang puso?Magkaiba man ang kinalakihan ninyo,
Kailangan bang lahat ng pinagdaanan mo'y kanilang ilalampaso?
Paano ba hatiin ang puso?Lumaki ka mang mahirap at hindi umangat.
Basihan ba iyon upang mahalin ka nila nang hindi tapat?
Anong puso mayroon kaya ako?Kung puwede lang nilang buksan,
Kung makikita lang sana nila,
Kung mararamdaman lang sana nila,
Na puso ko ay durog na durog na.
Hahatiin ko pa ba para mapagtanto nilang--
Mga pangalan nila ang laman ng puso ko sa tuwi-tuwina?
BINABASA MO ANG
Ngumiti. Nagmahal. Sinaktan
PuisiMinsan lang tayo kung Ngumiti at Magmahal pero sa huli Sasaktan at Masasaktan lang din pala. Thanks @missbulilit sa cover.