Isang araw ay nilapitan mo ako, Dala dala ang isang tsokolate't regalo. Sinabi mo pa noo'ng 'Mahal mo ako' kasabay ng malakas na palakpakan ng mga tao.
Naka ngiti akong niyakap ka na nangangahulugan ng sagot ko, Hinawakan mo ang mga kamay ko kasabay ng paglatag ng mga pangako mo.
Kung dati ay oras at saka araw ang binibilang natin ngayon ay naging taon at buwan na. Taon at buwan para tayo'y muling magkasama. Ilang buwan na pala nung huli kitang nakita. Simula nung umalis ka sakay ng isang pulang kalesa, hindi ko alam na yun na pala ang huli nating pagkikita.
Nagulat ako dahil isang araw ay puno ng ilaw ang bahay niyo, Maraming bisita't nag iiyakang tao. Biglang binalot ng malamig na hangin ang katawan ko, Hindi! Hindi maari ito! Nanginginig akong pumasok sa bahay niyo at bumungad saakin ang malaking puting kahon na puno ng ilaw kung saan nakapatong ang isang litrato mo.
Wala na, Wala kana. Pinipilit kong lakasan ang loob ko habang naglalakad palapit sayo. Nananalangin na sana panaginip lang lahat ng ito. Sana ay isang masamang panaginip lang ito at gigising ka para sabihing binibiro mo lang ako.
Kaya pala hindi ka na bumalik kasi nakikipag laban kana sa sakit mo, Kaya pala nung tinawagan mo ako ay ang hina na ng boses mo, Kaya pala palagi mong sinasabi na maghanap na ako ng ibang papalit sayo, Kaya pala pinagtutulakan mo ako paalis ng buhay mo. Kasi ilang araw nalang ay matatapos na ang taning na binigay sayo. Mahal, Bakit?
Mahal patawad kasi wala ako sa tabi mo, Mahal patawad kasi hindi ko manlang nasabi sayo kung gaano kita kamahal, Mahal patawad kasi hindi ko tinupad ang mga pangako ko, Mahal patawad kasi mag isa kang lumaban. Mahal patawad kasi wala ako ng mga panahong ika'y nahihirapan.
Mahal patawad kasi, Hinding hindi ako maghahanap ng papalit sayo. Mahal patawad kasi susunod na ako.