Mahal kita yan ang sabi mo. Mahal mo ba talaga ako? O mahal mo lang ako kasi kailangan mo ako? Mahal mo ba ako kasi totoo yang nararamdaman mo? O mahal mo lang ako kasi hindi mo kayang wala ako sa tabi mo?
Ang hirap, Hindi ko hindi ko alam kung alin ba dun sa dalawa ang sasagot sa mga katanungan ko. Nalilito na ako kung talaga bang mahal mo nga ako.
Isang araw nakita ko nalang ang sarili kong tinitignan ang litrato mo, Sunod sunod na tanong kaagad ang pumasok sa isip ko. Kung totoong mahal mo ako o trip mo lang ako, Hindi ako gago para hindi malamang ang dami mong kausap na bago. Hindi ako gago tangina nakita ko pa kayo at dun pa talaga sa kanto.
May pa long message ka pa na akala mo pang MMK, Pahatid hatid na akala mo driver, maka bantay daig ko pa mahahablot ng snatcher. Tapos gago sa kanto ka lang pala makikita kasama walker?
Ano nga ba tayo?