Mundong pabago bago
Walang permanenteng tao
Kailan kaya ako matututo?
Nakakasawa ng maloko.Sobrang gulo ng nararamdaman,
Sa pabago bagong signalan.
Akala ko makakamtan na ang magpakailanman.
Pero ako'y mag isang naiwan sa kawalan,
Pagod na ako, pagod na pagod na ako.
Hanggang kailan ako masasaktan?
Hanggang kailan ako maiiwan?
Hanggang kailan ako magmamaka awa na sana ako naman?