Palitan ng ngiti't malakas na tawanan,
Ang iyong maririnig sa loob ng silid aklatan.
Dalawang nag iibigan sa kanto'y nagsisikuhan."Shhhh" sigaw ng matandang librarian,
Kaya't dali daling lumabas ang nag iibigan.
Doon nagsimula ang kanilang kwento na mukhang magpakailanman.
Sana lang ay maging maganda ang kahahantungan.Araw araw ay para kang nasa soap opera.
Bidang lalaki't babae ay parang perpekto na.
Ngunit ito'y hindi maco-completo ng walang kontrabida.
Bumalik sa buhay ang dating kasintahan ng isa.
At dun nagulo ang nabuong istorya.
Wala na ang dating lambing at pag aruga."Tapos na ara." Huling salitang narinig mula sa kanya.
Dun na pala matatapos ang nabuong istorya.
Ba't ganon? Nasaktan kana't lahat mahal mo pa din siya?