Dati rati'y parang naliligaw
Hindi alam kung saan ka matatanaw
Hanggang sa concerto ako'y naligaw
At doon nakilala ang nag-iisang ikaw
Para bang yelo akong natutunaw
Ang mundo ko'y hindi na gumalaw.Ikaw, apat na letra pero buong alpabeto ang sinisigaw.
Ikaw, ang tanging gusto kong makasama sa bawat sayaw.
Ikaw, ang laging gustong matanaw
Sa kumpol ng tao ay ikaw ang bukod tanging nangingibabaw.
Dahil sayo'y nagbago ang pananaw.
Tunay nga talagang napaibig ng nag iisang ikaw.