Isang taon na pala, ang nakalipas simula nang makilala ka.
Bawat ngiti mo ng gabing yun ay sariwa pa din sa alaala.
Hindi ko tuloy maiwasang titigan ka,
Sakto namang tumingin ka na nagpa welga sa aking sistema.
Nagulat ako ng bigla kang pina-kilala.
Kaya't naging isa ang grupo nating dalawa.
Dumating na ang hating gabi't nag siuwian na ang barkada.
Kaya kahit ayokong umalis ay tuluyan nang napasama.
Ayokong maiwan mag isa lalo na't di ko naman kayo lubusang kilala.Pagka gising ay mensahe mo agad ang unang nakita,
"Pa add please hahaha di na kita ma add."
Yan ang eksatong sinabi mo sa aking pagkaka alala.
Agad akong napangiti ngunit pinigilan ko,
May taong masasaktan pala pag nagpa tuloy to.
Pero tila nag iba ang ikot ng mundo.
Para kang droga na di maiwasan kahit anong gawin ko.
Pinaramdam mo sakin ang mga bagay na di maipaliwanag ng kahit na sino.
Hanggang sa tuluyan akong nahulog sa bitag mo.
Pero para sa ikaka ayos ng lahat ay nag desisyon tayo.
Iwasan ang isa't isa para sa ikabubuti ko.Pero lumipas ang ilang buwan ay naging okay na ulit tayo.
At yun ang tamang oras kasi malayo nako.
Malaya nako sa nakaraan na hinahadlangan tayo.
At dun ko naramdaman ang saya na todo todo.
Kasi walang sawang pinaramdam mo na kuntento kana sa kung anong meron tayo.Mahal? Gusto kong sabihin na salamat.
Salamat sa pag unawa, sa pag mamahal, sa walang sawang pag intindi at pagiging kuntento.
Kuntento sa kung ano lang ang maibibigay ko't anong meron ako.
Alam kong walang wala pa to sa mga ginagawa mo.
Pero patuloy mong pinaparamdam na sapat na lahat para sayo.
Hindi ko lubos maisip kung anong kabutihan ba ang nagawa ko,
Para bigyan ng Diyos ng kagaya mo.
Mahal, Ikaw lang ang minahal at mamahalin ko ng ganito.
Kaya't maging kampante ka na tayo lang hanggang dulo.**************************************
Authors note: this poem is made specially for my bb! Happy anniversary jelly! 🥰