Isa...
Dalawa...
Tatlo...Abot hanggang tatlo ang bilang na nagawa ko, Kasabay ng dahang dahang pagluwag ng pagkakahawak mo.
Isang araw sinabi mong mahal mo ako, na sakin iikot ang buong mundo mo. Kasabay ng masasayang ngiti na para bang totoo. Mga ngiting nagpabulag sa mga pangakong sinabi mo.
Dalawa, Dalawang beses mong sinabi na walang iwanan, Pero dalawang beses mo din akong tinalikuran. Dalawang beses mo akong hinawakan pero dalawang beses mo din akong binitawan. Papunta't parito. Hanggang saan nga ba aabot ang pag iibigang ito?
Tatlo, dito ko masasabing talo nanaman ako. Tatlong segundo ang bilang ng halik na iginawad mo kasabay ng paglakad ng tatlong hakbang papalayo, palayo ng palayo hanggang sa tuluyan ka nang naglaho.
Hanggang dito lang pala ang nasabing pangako.