Ilang araw nalang ay magpa-pasko na,
Bente dos, bente tres, bente kwatro.
Pasko na't lahat pero ba't ang lungkot pa din nating dalawa?
Akala ko kapag pasko masaya,
Pero ang pasko pala nating dalawa ay naiiba.Saktong alas dose ng binati kita,
Sabi mo darating ka, Pero umabot nalang ng umaga ay wala ka pa.
Naghintay ako hanggang sa nakatulugan na.
Pero nagising nalang ako't wala ka pa rin talaga.Akala ko darating ka, naghintay ako.
Naghintay ako sa pag aakalang tutuparin mo ang binitawang salita.
Naghintay ako na dumating ka at batiin ako pero ni "ha" at "ho" ay wala akong narinig mula sayo.
Naiinis, nalilito. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumabas sa bibig ko.Nakakapagod din pala, nakakapagod umasang may pag asa pa tayong dalawa.
Nakakapagod ng intindihin ka.
Nakakapagod ng mahalin ka at nakakapagod ng maghintay na bumawi ka sa relasyong sirang sira na talaga.Maligayang pasko at panibagong taon.
Bagong taon na wala ka, bagong taon na hindi kana kasama.
Bagong taon na ako nalang mag isa.