Kakapit ka pa din ba kahit alam mong tapos na? O hahayaan mo siyang lumayo kasama ang bagong mahal niya?
Gusto kong palayain ka, pero ba't hindi ko kaya?
Gusto kong kalimutan ka pero para bang sirang plaka na paulit ulit na pumapasok sa isip ko lahat ng alaala.
Gusto kong ayusin at pag usapan ang lahat pero alam kong tapos kana.
Gusto kong sabihin na mahal pa kita at mamahalin pa din kita pero alam kong mag isa nalang ako sating dalawa.
Gusto kong sabihin sayo na ayokong isuko ka pero ikaw na mismo ang nagsabing bitawan na kita.
Kaya kahit mahal pa kita.
Handa na akong bitawan ka.
Mahal, malaya kana.