Chapter 9

36 3 0
                                    

Claxire's Point of View


"Claxiara! Aba bumangon ka na diyan at malalate ka na!"

Kahit na napipilitan ay tumayo na ako dahil konti na lang ay sisirain na ng tuluyan ni mama ang pintuan ko. Pupungas-pungas pa ang mata ko nang maglakad ako papunta sa pintuan at pagbuksan ang mama ko sa labas na nagtatransform na bilang si Incredible Hulk.

"Ma, walang pasok," sabi ko kay mama pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko. Sinuklay ko pa ang buhok ko gamit ang kamay ko dahil alam na alam ko na mukha akong bruha ngayon.

Kung nagtataka kayo kung bakit Claxiara ang tawag sakin ni mama, wag kayong mag-alala. Ako din, nagtataka.

Kapag tinatanong ko naman siya kung bakit yun ang tawag niya sakin, ang sinasagot niya lang ay 'Just because' Odiba? Lakas makashowbiz at makatanga ng sagot ni mama.

"Alam ko," masungit na sagot ni mama kaya napakunot ang noo ko.

Huwebes ngayon kaya wala kaming pasok. Bukas ulit. Eh bakit ako ginising ni mama ng ganito kaaga kung alam naman pala niyang walang pasok?!

7:00 a.m pa lang. Sana manlang pinatulog niya muna ako dahil puyat ako kakareview kagabi... at kakaisip na din doon sa mga natuklasan ko.

Imagine, ang pakay ko lang naman doon ay ang malaman kung totoo ngang si Nathan na ang president, pero mas malala pa dun ang mga nadiskubre ko. Pwede na ba akong maging secret agent?

"Earth to Claxiara? Lutang ka na naman, nak!"

"Ah eh ano bang sabi mo?"

Sorry naman, kulang kasi ako sa tulog. Tulog na ako ulit please?

"Sabi ko, dalian mo na. Magbihis ka na at pumunta ka sa mall ngayon tapos bilhin mo 'to. Dalian mo at malalate ka sa terminal. Ang hirap pa naman sumakay dun,” daldal ni mama sabay bigay ng papel sakin. Ito siguro yung list ng bibilhin.

Napasimangot ako nang kinuha ko yung papel sa kamay ni mama.

Ay peste.

— — —

Toothbrush? Check.

Inayos ko ang pagkakahawak ko sa ballpen na pinaglalaruan ko lang sa kamay ko kanina at ginuhitan ko na ang nakasulat na toothbrush sa papel na ibinigay ni mama.

Hmm, so okay naman na pala lahat. Nabili ko na lahat ng kailangan kong bilhin. Infairness ah, ang dami nito. Pang-isang buwan ata naming stock ito, eh.

Napatigil ako sa paglalakad nang mapahikab ako. Ano ba yan, inaantok talaga ako. Wrong timing naman kasi 'tong si mama mag-utos. Kung alam ko lang sana na uutusan niya ako ngayon, edi sana natulog talaga ako ng maaga kagabi.

Pero hayaan na, nandito na eh. May magagawa pa ba 'tong ginagawa kong pagrereklamo ngayon?

— — —

"1,260 pesos po ma'am."

Nakangiting inabot ko naman kay ateng cashier yung 2,000 pesos na hawak-hawak ko. MUAHAHA. Sabi ni mama sakin keep the change daw, edi may matitira pa sakin na... uhh.. wait lang kinacalculate ko pa sa utak ko.

Take One, Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon