Claxire's Point of View
"Here, miss," rinig kong sabi ni Mr. Transferee kay Tracy bago niya iniabot ang logbook dito. Si Tracy kasi ang pinalapit ko roon kay kuya mo transferee para mag-fill up doon sa logbook.
May listahan kasi ang officers ng school na 'to para sa transferees. Iyon ay para malaman kung paano sila makahahabol sa lessons na kailangan nilang i-cope up.
Wow, sana ols ay may i-co-cope up, chour.
Well, makapal naman talaga ang mukha ko, pero hindi kaya ng mukha ko ang kahihiyan sa ngayon.
Bakit kasi siya narito?!
"Okay, thank you. Welcome to Lavoir!"
Akala ko ay pagkatapos i-abot ng transferee na iyon ang logbook kay Tracy ay aalis na ito at lalapit sa akin, pero ang hindi ko alam ay i-chi-chika niya pa pala ako.
"Anyway," rinig kong panimula niya, "huwag mo nang pansinin iyang presindente namin. Mukha lang talagang abnormal 'yang isang 'yan, pero harmless naman iyan kaya 'wag kang mag-alala-"
"Hoy!" sita ko. Grabe naman ang paninirang puri sa akin ng isang 'to! Harap-harapan!
Sabagay, at least hindi niya ako bina-backstab. Front stab nga lang.
"Char lang!" sigaw niya pa.
Bubwit talaga 'tong isang 'to.
"Clax, ito na, oh," sabi niya sabay abot sa akin ng logbook na agad ko namang kinuha. "Huwag ka na bumusangot diyan, lalo ka lang pumapangit- aray."
Hinampas ko kasi siya ng logbook. Bwisit na 'to. Badtrip na nga ako tapos nagawa pa niya akong laitin.
"Chill ka lang kas! Ang gwapo kaya no'ng transferee. Eek!" tili niya pa.
Napatingin naman ako sa kan'ya bago ko ikinunot ang noo ko. Hindi dahil sa sinabi niya, kung hindi dahil sa tili niya.
"Eek?" tanong ko. "Ano ka, daga? Eek eek eek eek!"
Ginaya ko pa ang tili niya bago ako umirap. Parang daga lang, eh.
Oo, ako na ang mataray ngayon. Oo, ako na ang maldita. Oo, ako na... oo, wala na akong maisip. Basta nagmamaldita ako ngayon dahil hindi ako maikalma ang brain cells ko.
Kahihiyan feels. Bakit ba ganito ang tadhana? Bakit ba ang liit ng mundo? Bakit dito pa siya pumasok sa pipitsuging school na 'to? Bakit? Bakit?
Gusto ko sana mag-walling kaso may mga langgam sa wall, hehe. At dahil sa sinita ko si Shawn at Chris kanina, itong ilong na 'to, 'yong mga langgam naman ang pinagdiskitahan.
"Ano bang pinag-uusapan niyo? Isali naman ako, oh. May meeting kayo, 'di ba? Share niyo naman 'yan," sabi niya pa.
Facepalm. Okay, nakasinghot siguro siya ng medyas na mabaho kanina. Understandable naman iyon.
"Ewan ko sa'yo. Basta ang sinasabi ko lang, ang gwapo niya at kasali siya sa Kings, ha. Bongga!" bulong sa akin ni Tracy na ikinalaki ng dalawang mata ko.
"Kasali na siya kaagad sa Kings? Ganoon kabilis?" tanong ko naman. Chismosa ako, eh. Huehue.
"Nope," sagot naman ni Tracy sabay upo sa tabi ko. "More like, kasali na talaga siya dun matagal na."
BINABASA MO ANG
Take One, Take Two
FantasyTake one, you broke my heart. Take two, I'll save myself from falling apart. *** Isang ordinaryong babae lang naman si Claxire Montaverde. Ang tanging pangarap lang naman niya sa buhay ay ang makapagtapos ng kan'yang pag-aaral, at makahanap ng jowa...