Chapter Seven

48 4 0
                                    

Claxire's Point of View

"End of report!" sigaw ko sabay salute sa kan'ya.

Kanino? Kay Kheil. Ang class president namin. Pagkatapos ng isang linggo ay naisipan niya rin pumasok sa wakas. Dumating siya kaninang umaga kaya naman agad niya akong pinatawag.

At dahil hindi ako nakatulog nang maayos noong mga nakaraang araw ay naisipan ko na lang magpuyat gabi-gabi para manood ng mga kdrama.

Kung mayroon man akong talent na walang koneksyon sa pag-aaral, iyon ay ang pagsabay-sabayin ang mga kdrama na pinanonood ko.

Kung hindi nga lang ako pinatawag ni Kheil ay baka nanonood pa rin ako ng Scarlet Heart hanggang ngayon. Inuna ko muna kasing panoorin ang Crash Landing on You at Hwarang bago ko ipinagpatuloy ang Scarlet Heart.

Hays, ang cute lang talaga ni Captain Ri. Lord, when po kaya ako? Nag-co-color color pa po ba ang future dyowa ko?

"Ano na naman ang nasinghot mo, Clax? May pa-salute salute ka pang nalalaman diyan," natatawa niyang saad sabay kuha ng logbook at pinirmahan ito.

Kailangan kasi ng pirma niya sa bawat transferee. It means na ina-acknowledge na ng president ang bawat transferee. Kung bakit kailangan niyang i-acknowledge?

Well, hindi ko rin alam.

"Wala lang! Naalala ko kasi 'yong sa Descendants of The Sun. Kakilig yun Kheil! Panoorin mo rin pati 'yong Hwarang, Crash Landing on You, at Scarlet Heart," nakaderp na sabi ko sa kan'ya. Ewan ko ba kung bakit trip na trip ko ang mag-derp.

'Di naman ako cute kapag naka-derp. Huehue.

"Sige, panoorin ko 'yan kapag may free time na ako," sagot niya sa akin bago ibinalik sa akin 'yong logbook. "Pero, Clax, alam mo ba? Mami-miss kita."

"Lah!" pag-react ko sa sinabi niya. "Aalis ka na naman ba? Kababalik mo lang, ah! Bisita ka naman sa room natin oy. Miss ka na rin kaya nila."

Lagi kasing missing in action 'tong si Kheil. Minsan nga, mas feel ko pa na ako ang president ng section namin, eh. Char, napaka-feelingerang assumera ko talaga.

Napanguso na lang ako nang bigla niyang ginulo ang buhok ko. "Yes, aalis ako ulit. Kailangan, eh. Mami-miss kita. Mami-miss ko kayong lahat."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Para namang namamaalam 'tong isang 'to!

"Mamimiss din kita, mare," pagbibiro ko. "Kung makapagsalita ka naman diyan ay parang mamamaalam ka na!"

Hinampas ko pa ang braso niya pagkasabi ko no'n. Ang bruha naman ay tinawanan lang ako.

Aside from Tracy, Kheil is also a great friend of mine. Mula noong elementary pa lang kami ay magkasangga na kami sa kalokohan, at ngayong high school na kami ay magkasangga pa rin sana kami, kung hindi lang sana siya MIA madalas.

"O siya, aalis na ako, mare," paalam niya at binigyan pa niya ako ng isang mahigpit na yakap bago siya naglakad paalis.

Hindi ko alam kung bakit pero... nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang makita ko siyang naglalakad paalis.

Bakit pakiramdam ko ay hindi ko na siya makikita ulit?

"GOOD MORNING, Clax. Gusto mo?" nakangiting bati sa akin ni Jasper pagkapasok ko sa room.

Nakabusangot ako kanina, pero nang makita ko 'yong ngiti ni Jasper, napangiti na rin ako. Kapag ba naman kasing gwapo ni Jasper ang sasalubong sayo, hindi ka ba mapapangiti?

Ang cute rin ng dimples niya!

"Pagkain ba 'yan?" tanong ko at agad naman siyang tumango. "Sige! Hindi ako natanggi sa pagkain."

Take One, Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon