Claxire's Point of View
"Jinja?" tanong sakin ni Tracy matapos kong ikwento sa kanya yung nangyari kanina sa park ng school namin.Nagtataka kayo kasi sinasabi kong maliit lang yung school namin pero may park no? Maliit yung school namin, pati yung classrooms, pero malaki ang tambayan namin.
"Ano, ninja? Anong ninja?" tanong ko sa kanya.
Anong konek ng ninja sa kinwento ko sa kanya na si Nathan na ang bagong presidente ng section namin?
Naalala ko tuloy yung kanina...
"And I'm the new president. Diba dapat ikaw ang umayos ng pakikitungo sakin?"
Nanlaki ang dalawang mata ko sa gulat pero pinilit kong tumawa kahit na alam kong fake pakinggan yung tawa ko.
"President? Nahihibang ka ba? Sige, asa pa more."
Tinulak ko siya palayo kaya naman napabitaw siya sa pagkakahawak sakin at naging chance ko yun para tumakbo palayo.
Maibigay na nga 'to kay Alexa. At sabi niya siya magbabayad ng ambag ko diba? Edi siya magbayad. Atleast di mababawasan pera ko.
Napaismid lang siya sa sinabi ko. "Jinja sabi ko hindi ninja. Bingi."
"Ah." sorry naman, akala ko ninja. Jinja pala. "Kasi nasa pilipinas tayo tapos kinokorean mo ko."
Si Tracy ay hindi korean pero feeling korean siya. Ewan ko ba diyan. Baliw yan eh. Buti na lang nakakaintindi ako ng korean, kaya lang yung basic lang tulad ng Annyeong Hasseo at Gwaenchanayo.
"Hindi ko alam kung totoo yun pero syempre, aalamin ko kung totoo yun." sabi ko sabay ngisi.
Nagjojoke, nanloloko, o nangtitrip? Hindi ko alam kung alin diyan sa tatlo ang ginawa ni Nathan kanina. President, huh? Pwede ba yun? Eh halos two weeks pa lang siyang pumapasok sa room tapos magiging presidente siya? At isa pa, nagresign ba si Kheil sa pwesto niya para magpalit ang section namin ng presidente? At kung ganun man, bakit hindi ko yun nalalaman?
At isa pa ulit, isang-isa pa talaga, kung sakali man (pero wag naman, alam ko kung gaano kamahal ni Kheil ang pagiging presidente niya)... diba dapat ako ang maging president at hindi si Nathan?
Napakunot naman ang noo ni Tracy habang nakatingin sakin. "Ang creepy Clax. Tigil-tigilan mo nga pagngisi mo. Di bagay. Saka tigil-tigilan mo yang mga iniisip mo, alam kong may plano ka na naman."
Lalo akong napangisi dahil sa sinabi ni Clax. Alam kasi niya na kapag ganito ang itsura ko ay may binabalak ako.
Malalaman ko yan mamaya.
— — —
"Class dismissed."
Nagdiwang ang buong sistema ko mentally nang marinig ko ang magic words. Kamuntikan na akong makatulog pero mabuti na lang at malakas ang kontrol ko sa sarili ko.
Kukunin ko na sana yung bag ko nang bigla akong mapatingin sa kinauupuan ni Nathan na nakatingin pala sakin ngayon.
Bigla siyang nagsmirk nang makita niya na nakatingin ako sa kanya kaya naman automatic akong napairap at napaiwas ng tingin.
"May kasabay ka ba pauwi?"
Napapitlag ako nang magsalita si Jasper na nasa tabi ko. Nakangiti pa siya habang nakatitig sakin. Enebe weg keng genyen, beke egewen kete key Tracy. Dejk lang mabait ako. Pero tuksoooo~ layuan mo akooo~
Umiling ako. "Wala eh. Nauna na kasing umuwi si Tracy dahil may pupuntahan pa daw sila ng mommy niya."
Kaya nga magagawa ko rin ngayon yung plano ko eh. At anong plano naman yun? Edi ang pumunta sa Admin Office para mag-imbestiga. May room kasi si Kheil dun dahil siya ang president ng star section. Parang masyado kaming finifavorite ng school na 'to no? Aba syempre, kami ang star section kaya ganun.
BINABASA MO ANG
Take One, Take Two
FantasyTake one, you broke my heart. Take two, I'll save myself from falling apart. *** Isang ordinaryong babae lang naman si Claxire Montaverde. Ang tanging pangarap lang naman niya sa buhay ay ang makapagtapos ng kan'yang pag-aaral, at makahanap ng jowa...