Nathan's Point of View
"For your information, hindi ko kailangan ng tulong---"Napatingin ako sa kanya nang tumigil siya sa pagsasalita at agad akong tumakbo papalapit sa kanya para saluhin siya nang bigla siyang matumba.
Binuhat ko siya ng bride style at nagsimula na akong maglakad papuntang ospital. Nanghihina na ako, pero kailangan ko munang makapunta ng ospital.
Habang naglalakad ako, nakatingin lang ako sa babaeng buhat-buhat ko. Mukhang mabait kapag natutulog, pero napakasungit kapag gising. Pero kahit na ganun ang ugali niya, may itinatagong kabaitan parin pala ang babaeng 'to.
"Thank you at sorry dahil nadamay ka sa kaguluhan ng buhay ko." nakangiting sabi ko sa kanya bago namin tuluyang marating ang ospital.
Agad kaming nilapitan ng mga nurse nang makita ang dugo na umaagos mula sa katawan ko. Nagawa ko pang ihiga muna si Claxire sa stretcher bago tuluyang bumigay ang katawan ko dahil sa panghihina.
— — —
Claxire's Point of View
"Claxire."
"Nathan."
Nakangiti akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng isang malalim na halik, na agad naman niyang sinuklian.
"Shit!!"
Agad akong napaupo nang magising ako. Panaginip lang, panaginip. Napabuntong-hininga ako habang hawak-hawak ko ang dibdib ko. Akala ko totoo. Akala ko talagang hinalikan ko ang Nathan na yun.
Panaginip, pero bakit pakiramdam ko bangungot ang nangyari? At bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon?
Kalma, please.
Napalingon ako sa bandang kanan ko at doon ay nakita ko si Nathan na prenteng-prente na nakahiga sa hospital bed. May mga nakakabit pa sa kanya kaya naman di ko maiwasang maawa. Puro pa gasgas ang mukha niya.
Hays, basagulero pala ang isang 'to.
Dahil wala namang nakakabit na kung ano-ano sa katawan ko ay tumayo na ako. Niligpit ko pa muna yung hinigaan ko bago ako naglakad papalapit sa kinaroroonan ni Nathan.
Umupo ako sa upuan na nakalagay sa tabi ng higaan niya. Isinubsob ko ang mukha ko sa bedsheet niya bago ko hinawakan ang kamay niya.
"Alam kong dapat kang magpasalamat sakin dahil iniligtas ko ang buhay mo, pero dapat din akong magpasalamat dahil iniligtas mo ang buhay ko. We're quits."
Kaya ko isinubsob sa bedsheet ang mukha ko dahil nahihiya akong sabihin sa kanya ng harapan ang mga pinagsasasabi ko ngayon. Kahit na alam kong wala siyang malay, nahihiya parin ako.
Oo na, ako na mahiyain.
"Salamat." I said and I flashed a sincere smile.
Kahit na nanghihina na siya kanina ay sinalo niya parin ako ng matumba ako. Paano ko nalaman yun? Dahil naramdaman ko yun kanina bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Salamat Nathan. Salamat.
— — —
"Mahal kita, Claxire."
"Ah shit."
Agad akong naalimpungatan mula sa pagkakatulog nang may umalingaw-ngaw na boses sa panaginip ko. Ang ganda pa naman ng panaginip ko tapos biglang may boses na eepal. Kanina pa ako napapamura dahil sa mga panaginip slash bangungot ko ah. Bwisit na yan.
Habang nakapikit ay napahawak ako sa ulo ko gamit ang kanang kamay ko dahil bahagyang sumakit ito. Ang ganda na talaga sana ng panaginip ko, kumakain ako ng maraming-maraming ice cream. Sayang, akala ko pa naman totoo.
"Aish, kirot pa more. Ano ba naman yan." nakakunot ang noo ko habang nililitanya ko sa sarili ko yan.
"Pft." pero napatigil ako nang may marinig akong nagpipigil ng tawa kaya naman idinilat ko ang kanang mata ko. Hoping na mali ang hinala ko na gising na nga ang lalaking nasa harapan ko.
Pero tama nga ako, gising na nga siya, at may hawak pa siya na magazine sa kaliwang kamay niya habang nakatingin sakin.
"You okay?" natatawa niyang tanong sakin. Ibalibag ko kaya 'to ngayon?
"May okay bang masakit ang ulo, ha?" mataray kong sagot sa kanya. Actually, kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na hampasin siya dahil marami siyang sugat pero kung hindi niya talaga ako titigilan, hahambalusin ko talaga siya dun sa mga parte na may sugat siya.
"Oo. Ikaw. Nagtataray ka eh." sabi niya sabay wink sakin. What the heck.
Akmang hahampasin ko na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok sa loob ang isang babaeng doktor at isang nurse na may dala-dalang tray. Inilagay niya yung tray sa may lamesa kaya naman sinulyapan ko ng tingin iyon.
May nakalagay na 'Montaverde' at 'Lacsamana' doon sa mga gamot para malaman namin kung ano ang mga gamot na para sa amin.
"Miss Montaverde, gising ka na pala." she stated. "Okay ka na ba?"
I nodded at saka ako ngumiti sa kanya. "Yes doc. Medyo masakit lang po ang ulo ko. Hehe."
"It must be the side effect of the medicines." paliwanag niya. "Natraumatized ka kasi sa sugat mo kanina that's why you fainted. Nothing to worry about."
Napa-ah naman ako. Actually wala naman kasi akong pakialam kung bakit ako nahimatay. Ang importante sa akin ngayon ay nagising na ako, at makakauwi na ako mamaya sa bahay.
"Pero sa case ng boyfriend mo... well, he's also okay pero kailangan niya munang magstay dito ng ilang araw para maobserbahan. Medyo malalim din kasi ang mga sugat niya."
Kamuntikan na akong mabulunan sa sarili kong laway dahil sa sinabi ng doktor. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha ko na tila ba ay nakatapat ako sa araw o kaya ay sinisiliban ng apoy ang buong mukha ko. Boyfriend? Si Nathan? A-S-A. Teka nga, bakit ba napagkamalan kaming magsyota ng lalaking 'to? Mukha ba kaming couple sa paningin nila?
"Ah eh hindi--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil ngumiti ulit yung doktor habang nakatingin sa kamay namin ni Nathan na magkahawak-- magkahawak?! Holding hands ang peg namin ni Nathan kanina pa?!
Pag sinabi ko na hindi kami magboyfriend girlfriend, lalabas na ang easy to get kong babae.
"A-Ah. Buti naman okay na ang b-boyfriend ko." I gulped matapos kong sabihin yan. Sinasabi ko na nga ba, kapag kasama ko ang lalaking 'to ay puro kahihiyan ang dinadanas ko.
Pagkatapos nun ay sinulyapan ko si Nathan, only to find out na nakangisi pala siya habang nakatingin sa akin ngayon. Ang sarap punitin ng labi niya para hindi na siya makangiti.
"I'm also glad na hindi naman pala malala ang nangyari sa girlfriend ko." sagot niya din, emphasizing the word girlfriend. Sarap sapakin.
Pagkatapos nun ay pinisil niya ang kamay ko. Kinurot ko siya dahil sa ginawa niya at napaaray naman siya ng mahina. Buti nga sayo, bwisit ka.
"That's all." sabi ng doktor at naglakad na palabas ng room kasama yung nurse.
Nakalabas na silang dalawa pero ramdam na ramdam ko yung init ng mukha ko dahil sa sinabi ng doktor kanina. Seriously, boyfriend?
"Boyfriend pala ha." nang-aasar na sabi niya kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na sapakin siya sa braso niya.
"Heh. Manahimik ka diyan. Bwisit." sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang ako ng loko.
BINABASA MO ANG
Take One, Take Two
FantasyTake one, you broke my heart. Take two, I'll save myself from falling apart. *** Isang ordinaryong babae lang naman si Claxire Montaverde. Ang tanging pangarap lang naman niya sa buhay ay ang makapagtapos ng kan'yang pag-aaral, at makahanap ng jowa...