Claxire's Point of View
"Claxy, ang aga mo naman atang umuwi. Alas-dos pa lang, ah. Nag-cutting ka ba?" tanong sa akin ni kuya Clave pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa loob ng bahay namin.
Aba naman! Kauuwi ko lang. Baka naman gusto niya muna akong tanungin kung kumain na ako? Tutuktukan ko na rin 'tong isang 'to kahit na kapatid ko siya, eh!
"Umamin ka, nag-cutting ka, ano? Isusumbong talaga kita kay mama!"
Napasimangot na lang ako dahil talagang pinupush niya na nag-cutting ako. Sarap sapatusin. Anyway, ang cute ni kuya ngayon dahil buhat-buhat niya pa si baby Calxter habang nakatingin nang masama sa akin. May suot pa siyang apron kaya naman para tuloy siyang batang-ama na pinagkaitan ng mundo, charot.
"Grabe ka sa akin kuya, ah! Hindi ako nag-cutting okay? Maaga kaming pinauwi kasi may meeting pala ang mga teachers. Ngayon ko lang nalaman," pagpapaliwanag ko sa kan'ya saka ako sumalampak sa upuan namin dito sa sala.
Bakit nga ba nakakapagod ang mag-commute kahit na nakaupo ka lang naman sa jeep? Ewan ko ba. Isang tricycle at isang jeep lang naman iyon pero kada uuwi ako ng bahay ay parang latang-lata ako.
Bakit nga rin ba kasi ang layo ng eskwelahan namin, eh. Pero sino ba naman ako para magreklamo, hindi ba? Pasalamat na nga lang ako dahil scholar ako roon sa Lavoir. Malayo nga lang talaga.
At least, para sa akin.
Kaya 'yong mga nag-aaral talaga sa Maynila tapos commute pa sila, bilib na bilib talaga ako! Hindi kasi 'yon kaya ng maganda kong pangangatawan at cute kong brain cells, eh.
"Hoy, Claxire! 'Yong sapatos mo naman, baka kung saan-saan 'yan lumipad!" singhal niya sa akin noong biglang lumipas 'yong sapatos mula sa kaliwang paa ko.
Tinatamad lang naman akong yumuko para tanggalin ang sapatos ko, eh. Bakit kasi biglang lumipad? Mabuti na lang at wala akong natamaang kung anumang furniture ni mama, kasi kung mayroon man... yari ako. Hehe.
"Pasensya naman, napalakas!" singhal ko rin sa kan'ya pabalik. Akala niya ba ay siya lang ang marunong sumigaw?
Ako rin kaya!
Inirapan niya ako habang hinehele si baby Calxter kaya naman inirapan ko rin siya. Hindi ako magpapatalo, kuya!
Pagkatapos kong makipagmalditahan kay kuya ay tinanggal ko na rin ang necktie, blouse, at ang palda ko. Nakasando at shorts naman ako kaya keri lang kahit na rito ako mag-take it off sa sala namin.
"Kuya, bakit nga pala ikaw ay nandito na? Maaga kayong pinauwi?" tanong ko habang tinitiklop ko 'yong uniform ko. Kapag naglalagay kasi kami ng damit sa labahan, kailangan nakatiklop kasi malalagot kami kay mama.
Hays, buti pa ako, ang tanong ko ay kung pinauwi sila nang maaga. Samantalang 'tong bwisit kong kapatid, ang tanong kaagad sa akin ay kung nag-cutting ako. Walang malasakit!
Ay, char, wala rin pala ako. Same lang kami.
Anyway, apat na taon naman ang pagitan namin ni kuya, pero ewan ko ba, bakit ang petty niya paminsan-minsan. Ay, hindi pala. Madalas niya akong patulan sa mga bagay-bagay. Kainis.
Tumango lang si kuya sa tanong ko saka niya nilagay si baby Calxter sa krib. Puwede na maging tatay si kuya Clave ko dahil magaling siyang mag-alaga ng mga bata, pero 'wag na muna. Third-year college pa lang siya. Baka hampasin siya bigla ni mama kapag nalaman ni mama na nakabuntis siya.
"Ewan ko sa iyo, kuya. Sungit mo!" sabi ko sa kan'ya sabay irap. Tango lang ang isinagot sa akin? Kainis!
Tumayo ako at inilagay ang mga damit ko sa damitan, at inilagay ko naman ang sapatos ko sa shoe rack.
BINABASA MO ANG
Take One, Take Two
FantasyTake one, you broke my heart. Take two, I'll save myself from falling apart. *** Isang ordinaryong babae lang naman si Claxire Montaverde. Ang tanging pangarap lang naman niya sa buhay ay ang makapagtapos ng kan'yang pag-aaral, at makahanap ng jowa...