(Paula's P.O.V.)
"Good morning ma'am !" bati sa akin ng mga staff and crew ng hotel.
"Good morning." Sagot ko and stopped in the reception area.
" Sabi ni nanay may mga messages and invitations para sa akin?"Kinuha ng receptionist ang isang brown envelope na medyo may kakapalan din." May may mga ipinapadala din pong bulaklak para sa iyo si Mayor at regalo para Kay Pauline po." kinikilig na sabi ng receptionist na may pangalang Laramae.
"Bulaklak?"
" Opo ma'am saka pumunta din po siya dito noong Lunes po pero di po kayo umuwi dahil nagpunta po kayong Surigao del Sur."
"Araw-araw nga pong tumatawag simula noon ma'am. Gusto nga po niyang kunin ang number niyo pero wala po naman kaming number ninyo pati na rin po si Aling Maming." Sabi niya na may halong panunukso.
"Ah business matters siguro sadya niya. Pakibigay nalang itong business card ko pag bumalik siya at di kami magtagpo".
Napakamot sa ulo ang receptionist na medto kinakabahan"eh ma'am naitawag ko na sa kanya na dumating kayo kagabi. Alam na rin po niya na papasok na po kayo sa opisina ngayon. Baka po pupunta yun dito".
Gusto kong pagsabihan ang staff pero wala naman akong ibinilin na wag sabihin ang pagdating ko.
"No need. Baka magkita kami sa munisipyo,kukuha ako ng Mayor's business permit. Laramae next time wag mong ibibigay ang schedule ko. Pag may kailangan sila let them call me in this number" Binigay ko sa kanya ang calling card ko "If they wanted to see me,let them get a schedule from my secretary. Tell them na I don't entertain visits after 6:00 o'clock p.m."
"Kahit po si Mayor?" Malungkot na tanong niya.
"Walang exceptions kahit sino pa. Anyway itatawag din naman sa bahay ang bibisita sa akin after 6 so that was no longer your concern." I smiled at her.
"Ano pong gagawin ko sa mga bulaklak ma'am?" Turo niya sa bouquet ng bulaklak.
"Allergic si Pauline sa bulaklak kaya di yan pwede sa bahay. Pakilagay nalang sa reception area .May vase naman oh. Sayang naman ang mga bulaklak ,sigurado maapreciate yan ng mga guests." I turned my back and called my driver.I asked him to bring me to the municipal.
I sighed looking back at what I did after I saw Vince Villegas. I escaped gaya ng dati. Hindi pa ako handang makipag-usap na kami lang dalawa.
Nagulat na nga lang si Pauline when I told her we will go to Surigao del Sur . Mabuti nalang nag-enjoy ang anak ko sa dagat and Enchanted river. We also went to Tinuy-an Falls.
Isa pa sa magandang naidulot sa pagpunta namin doon ay yun yung nakaya kong harapin ang takot ko sa dagat. Nakatulong ng malaki ang kagustuhan kong mabantayan si Pauline. Akala ko magpapanic attack na naman ako but Pauline was there telling me that I'll be alright.
Naghire din kami ng professional swimmers to be with us. Nagawa kong pumunta sa laot riding in a big motorboat. Nagpasya pa nga ako na magcheck-in sa isang resort na nasa gitna ng dagat.
After facing one of my fears,I decided to stop hiding from Vince. I needed to face him and proved to myself that I had moved on from my craziness on him before.
Huminto ang sasakyan sa harap ng munisipyo. Malapit lang naman ito sa bahay.Pababa na sana ako sa sasakyan nang tumawag so Pauline."Hello Yulen, miss me already?"
"Yes mama and I want to say God bless po. Take care and I love you".
Naglakad na ako papunta sa Mayor's office habang nakikipag-usap sa anak ko. Sinusundan ako ng tingin ng bawat dinadaanan ko.

BINABASA MO ANG
Unfinished Yesterday
RomanceShe left her hometown 7 years ago with a broken heart and a shattered dreams .Now,she went back home and faced the person who broke her heart-the dashing,mighty and powerful Vince Villegas. Will Paula Dela Forte finally finds closure on her past or...