(Paula's P.O.V.)
"Ma'am may bulaklak na naman po, saan ko po ito ilalagay?" Problemadong tanong ng secretary ko. I just looked at the flowers.
Naiinis na ako sa dami ng bulaklak sa paligid ko ,tuloy nagmumukha ng flower shop ang opisina ko. Limang araw na akong nag-oopisina and flowers are sent in my office at least 5 senders a day.
Ang iba galing sa mga kakilalang businessman at businesswoman who probably saw me as potential business associate.Others were from an old friends who welcomed me back in town. Mostly were from suitors that won't take no for an answer. To think na isa man sa kanila wala akong hinaharap.
Ipinacancell ko lahat ng personal appointment ko maliban lamang sa mga magtatrabaho sa gagawing hotel. Madalas din naman na nasa field ako ngayon.
"Ma'am? " Balik tanong sa akin ng secretary ko.
"Ilagay mo nalang kahit saan maliban sa opisina. Pabili na rin kayo ng dagdag na vase. I don't want to be accused rude pag ipamimigay ko yan so hayaan mo na lang dito sa resort."
Tumango lang si Cathy at tumalikod na. "Wait Cathy kindly pick up the papers sa munisipyo. Ready for pick up na yun Sabi ng secretary ni Mayor. Hihintayin na lang kita doon sa Restaurant na papasok sa airport."
Tiningnan ako ni Cathy na may pagtataka pero sumagot it ng 'Yes ma'am'. Along the way lang naman kasi ang munisipyo at pwede ko lang daanan ang mga papeles. I avoided Vince as much as I can.
Araw-araw nasa bahay siya pero nagagawa kong maging civil sa kanya kaharap ng anak namin. Kasama namin siyang magdinner mula ng ipakilala ko siya Kay Pauline. Pagkatapos magdinner may ginagawa sila ni Pauline na bonding. Madalas si Pauline ang nasusunod. Kagabi napilitang makipaglaro ng Barbie si Vince kasi yun yung gustong gawin ng anak namin. Kahit kailan naman hindi mahilig maglaro si Pauline ng mga ganyang laro kaya malamang isa na naman ito sa mga pagpapahirap niya sa ama niya. She still treats her father coldly pero hindi naman umabot sa point na nambabastos ito.
Madalas kong kausapin si Pauline na wag pahirapan ang ama niya at madalas hindi ito sumasagot. Paulit-ulit kong sinasabi na walang kasalanan ang ama niya pero patuloy na nagmamatigas ang anak namin. Madalas hinahayaan ko silang dalawa pag nasa bahay si Vince para masanay si Pauline sa kanya. Yun nga lang hanggang ngayon hindi pa rin sumasama si Pauline sa kanya sa labas ng bahay maliban sa resort.
Hinihintay ko na lang ngayon si Cathy sa loob ng 24-hour restaurant. Wala pang masyadong tao kasi alas 9:00 pa lang ng umaga. Nasa pinakasulok din ako pumuwesto para makaiwas muna sa posibleng kakilala na papasok. I checked my emails in my MacBook and sent emails to some of our resort branches.
Masyadong akong naka concentrate sa trabaho nang bigla nalang may lumapit.
"Mind if I joined you here?" Tanong ng magandang babae na sa harapan ko.
Agad bumalik lahat ng alaala ko sa kanya in the past and the guilt was killing me.
"There are a lot of vacant tables over there." Turo ko sa mga bakanteng mesa.
She just looks at those tables and then sits down in front of me " Well, we used to share a lot in the past naman kaya okay lang naman siguro na magshare ulit tayo ngayon."Makahulugang sabi niya. I winced on her words.
"Jasmine ayoko ng gulo. Whatever happened in the past, leave it there. "I said seriously.
"Hey relax among the two of us,hindi naman ako ang nagsisimula ng away hindi ba? Lumapit lang naman ako kasi gusto kitang batiin sa iyong pagbabalik. " She said na nakataas naman ang kilay.
Gusto kong matawa kasi nagkabaliktad ata kami. Siya na ngayon ang nagmamaldita at ako naman any nagbabait-baitan.
She ordered snacks at agad namang tumalima ang waiter na tinawag siyang Vice Mayor na ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
Unfinished Yesterday
Roman d'amourShe left her hometown 7 years ago with a broken heart and a shattered dreams .Now,she went back home and faced the person who broke her heart-the dashing,mighty and powerful Vince Villegas. Will Paula Dela Forte finally finds closure on her past or...