Cliff Diving

80 0 0
                                    

(Vince P.O.V.)

Nakangiti ako habang papunta sa bahay ng mag-ina ko. Mag-ina ,ang gandang pakinggan . Ngayon,mas makulay ang paligid ko. Lagi tuloy akong nakakantyawan sa munisipyo na "blooming" eh kalalaki kong tao.

Tiningnan ko ang maleta ko sa likod ng kotse ko at napangiti nalang ako. Kailangan kong mapalapit sa mag-ina ko and the best way ay ang makasama sila ng mas mahabang oras.

Kahapon, hindi ko man lang nakita si Paula. Nasabi sa akin ni Jasmine na nagkita sila. Yun nga lang hindi sinabi nito ang napag-usapan nila. Sinabihan pa ako to be man enough to do the move.

Si Pauline lang ang nakasama ko kahapon. Lagi akong naghahanap ng paraan na makausap ito ngunit hindi ito lumabas sa kwarto niya. Pinakiusapan ko nga si Pauline na tawagin ang mama niya pero sinabi nito bakit di na lang daw ako ang tumawag sa mama niya. Ang bait ng anak namin sobrang supportive.

Iniiwasan ako ni Paula , sigurado na ako doon and I'll be damned kung patuloy ko siyang hahayaan sa kung ano man ang plano niya.

Binuksan agad ng security guards ang gate pagkakita sa kotse ko. Sumaludo pa sila sa akin nang ibaba ko ang bintana ng kotse.

Pagkaparada ko sa kotse ko ,binuksan ko ang backset at kinuha ang maleta ko at nagpunta sa receptionist.

It is Saturday and I will spend my time with them today. Lumapit ako sa receptionist.

"Good morning mayor. Naihanda na po namin ang kwarto ninyo. Nasabi nga ng secretary ninyo na open days po ang pagcheck in ninyo. Heto po yung susi." May ngiting sabi nito.

" Naitawag na rin ba ni David na nagpapahanda ako ng breakfast good for three sa veranda ngayon?" Tanong ko.

"Opo sir, naitawag na rin po namin kay Aling Maming na hindi na po magluto ng breakfast para kina Ma'am. "

"Salamat. "Nakangiti kong sabi. Inililibot ko ang mata ko sa paligid at napansin ko ang mga magagandang bulaklak sa bawat sulok ng receiving at waiting area. Sa sobrang dami  nito nakakakukuha na ito ng atensyon. "Ang dami namang bulaklak?" Turo ko sa mga bulaklak at tiningnan ang nasa harapan namin.

"Ay opo Mayor. Para po yan Kay Ma'am Paula. Araw-araw po nagdadagsaan ang mga iyan. Dito lang po pinalalagay ni Ma'am kasi allergic po si Señorita Pauline sa bulaklak." Sabi nito.

Bigla gusto kong mambasag ng vase"Nasaan ang mga card ng senders?" Medyo iritado kong tanong. "

Biglang kinabahan ang receptionist sa pagbabago ng mood ko "Ibinigay po namin sa secretary ni ma'am Mayor".

"May logbook naman di ba ,maari ko bang makita yun?"Medyo hininaan ko na ang boses ko,napansin ko kasi na namumutla na ang kausap ko.

"I am sorry Mayor pero confidential po ang details ng logbook namin." Nanginginig na boses na sabi nito.

Tama naman siya. Wala akong makukuhang impormasyon mula sa hotel baka pag ipinilit ko ang gusto ko ay makarating ito kay Paula. However, sisiguraduhin kong may makukuha akong impormasyon sa  flower shops ng Initao. Anupat naging Mayor ako kung wala akong magagawa para sa mga asungot na nakapagdaragdag ng balakid sa pagbabalik ko sa buhay ni Paula.

"I am sorry po talaga" ulit nito

"It's okay. " Sabi ko dito. Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong alas 6:00 pa lamang ng umaga."Anong oras nila iseserve ang breakfast namin? Baka kasi magutom na ang mag-ina ko."

"Sabi po ng staff sa Restaurant pag natapos na po si Ma'am Paula sa kanyang Cliff Diving. Dadaan din naman po doon si ma'am kaya..."

Hindi ko pinatapos ang receptionist "Anong sabi mo? Cliff diving? Sino ang nag cliff diving?" Mataas na naman ang boses ko.

Unfinished YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon