(Vince P.O.V.)
"Hello Mr.Cabana, I just want to inform you na hinding-hindi hindi ko mapapalampas ang ginawa ng anak mo na si Joan Cabana sa mapapangasawa ko. Binastos niya ito sa harap ng ibang tao. You better take her out from my town or else pull out all your business investment here. I am a very protective man in my property Sir, and definitely your daughter just hurt my woman."
Ibinigay ko na ang phone ko pagkatapos tumawag. Sinabi sa akin ng nagbabantay kay Paula ang pang-iinsulto na ginawa ng babaeng yun sa kanya.
Kinakawayan na ako ng anak namin kaya naglakad na ako palapit sa kanila. Nakapagbihis na kaming tatlo at ngayon ay kakain na ng lunch. This is my happiest day so far. Ewan ko lang kay Paula na nakasimangot na naman .
Napangiti ako lalo nang maalala ko ang ginawa Kong pagnakaw ng halik kay Paula. I can't help it , she's really very beautiful. Hindi nga siya hinihiwalayan ng tingin ng mga lalaki.
Napagdesisyunan ko na manliligaw na ako sa kanya simula ngayong araw na ito.
Umupo na ako sa harap ni Paula.
"Wag mo ng uulitin ang ginawa mong pagnanakaw ng halik Vince kung hindi malalagot ka sa akin" Kalmadong sabi nito na sinadya talagang magtagalog para di maintindihan ng anak namin na kumain na ng halo-halo.
"Cge sa susunod magpapaalam na ako" biro ko sa kanya.
Namumula ito sa sinabi ko "Asa ka pa." Irap nito . Humagalpak lang ako ng tawa.
Nagulat na lang ako nang nasa harapan ko na siya at niyuyugyog ako "Kung sino ka mang sumanib sa katawan ng lalaking ito, lumayas ka na. Ibalik mo na ang di nagsasalitang Vince na kinababaliwan ko noon. Mas gusto ko siyang kasama" Biglang sabi nito na parang nag-oorasyon.
Natawa ako hindi dahil sa ginawa niyang kabaliwan kung hindi sa salitang 'kinababaliwan'.
"Mama what are you doing?" Nagtatakang sabi nito.
"Paano ba yan Paula , hindi ko pa ginamit ang charm ko dati nabaliw ka na, paano pa kaya ngayon na handa akong gamitin ang lahat ng charm ko para sa iyo. " At hinawakan ko ang kamay niya na nasa balikat ko.
"Gusto kong malaman mo Paula Dela Forte na mula sa araw na ito opisyal na kitang nililigawan" seryoso kong sabi.
Her cheeks turn reder. Tapos hinampas niya ako sa ulo nang makawala ang kanan niyang kamay.
"Haha. Kumain ka na nga." Pambabalewala na sabi niya.
Teka muna, hindi niya seneseryoso ang sinabi ko? Aba kanina ko pa siya binabakuran, anong tawag niya dun ?
Nakangiti lang na nakatingin ang anak namin sa amin. Hindi ko alam kung naiintindihan ba niya kami o hindi kasi hindi naman siya nagtatanong.
"Yulen anak, enough eating halo-halo, you'll lost your appetite for your lunch because you'll be full."
Sinunod naman ito ni Pauline. Kumain na kami ng lunch. Tahimik lang kaming dalawa sa simula pero lagi akong nakakakuha ng tyempo na inisin siya. Kinakampihan pa ako ni Pauline paminsan-minsan.
"Nakatulog na siya?" Tanong ko kay Paula. Gumamit kasi ako ng telepono para sa hinahanda kong supresa sa kanya sa susunod na linggo.
"Oo. Napagod kasi ng husto. "
Hinaplos ko ang kulot na buhok ng anak namin.
"Gusto mo ikaw na magbuhat sa kanya patungo sa kwarto niya?" Alok nito sa mahinang boses.
"Baka magising gaya noong nakaraan na binuhat ko siya. Ayoko pa naman siyang naririnig na umiiyak" Natatakot kong sabi.
Nginitian lang ako ni Paula " Don't stop trying. Pauline knows that she'll be safe in your arms."
BINABASA MO ANG
Unfinished Yesterday
RomanceShe left her hometown 7 years ago with a broken heart and a shattered dreams .Now,she went back home and faced the person who broke her heart-the dashing,mighty and powerful Vince Villegas. Will Paula Dela Forte finally finds closure on her past or...