The Villegas

78 2 0
                                    

(Paola's P.O.V.)

"Ready?" Tanong sa akin ni Vince nang makarating na kami sa bahay nila.

Kung ang bahay namin ay nasa tabing dagat,ang sa kanila naman ay nasa pinakamataas na bahagi ng Initao kung saan tanaw ang buong syudad.

Hindi ito basta-basta napapasok ng ibang to. Tatlong gate ang dadaanan bago makarating sa bahay nila.

Nagulat nalang ako na nasa harapan ko na si Vince. He holds my hand.

"Nervous?" May simpatiyang tanong nito.

"That would be an understatement. " Matapat kong sabi.

Bumaba na rin si Pauline at tiningnan ang paligid.

"Wow papa your place is awesome.  " May paghangang iginala nito ang mata sa malawak na lugar. "But why do you have so many gates?"

" For security reasons princess. You know that we're from a political clan. Your Lolo is the governor of the province. As you know I am a mayor. Your Tito has a high position in PNP also."

Tiningnan niya ang malaking bahay. "Your house is so huge and the design is so nice."

Nilapitan ko ang anak ko na namamangha. Binitawan ko ang kamay ni Vince .Kailangan ko yung kamay ng anak namin to calm my nerves.

"Your dad's family also build houses as their business.It is called real  state business." Sabi ko sa anak ko.

"Halika na pumasok na tayo." Yaya ni Vince na humawak na rin sa kamay ni Pauline. Nasa kanang bahagi siya nito habang nasa kaliwa naman ako.

Grabe na yung kaba ko sa dibdib. Pagpasok namin sa sala nila nakita ko agad si Tita Divina na palakad lakad. Pilit siyang pinapakalma ni Tito Vicente. Si kuya Juvin naman ay may ginagawa sa laptop  na nasa harap niya. Si Divine ay may kinakausap sa cellphone.

"We're here" basag ni Vince sa katahimikan.

Lahat ng mata nila nasa amin na. Si Tita ay biglang napaupo katabi ni Tito.

Lumapit ako sa kanila at nagmano gaya ng nakaugalian ko. Inuna kong nilapitan si tita at pagkatapos ay si Tito. Humalik ako sa pisngi ni kuya Juvin. Kinakabahan ako nang lumapit ako kay Divine para magbeso. Mabuti nalang tinanggap naman niya.

Natuwa naman ako dahil ginaya ng anak ko ang ginawa ko. Nagmano siya sa Lolo at Lola niya at humalik sa pisngi ng tito at Tita niya.

Wala pa ring nagsasalita sa amin. Tumingin si Pauline sa amin.

"Papa do you have rules here not to talk po ? or are your family mute po? " Inosenteng tanong nito.

Tumawa si Divine na sinundan nilang lahat. Ako lang ang hindi tumawa.

"Yulen, this is your Lola Divina ,your Lolo Vicente , your Tito Juvin and your Tita Divine. " Pagpapakilala ni Vince.

Kumaway si Pauline sa kanila. " Hello po. I am glad to meet you po."

"This is Pauline Venice , our daughter." Baling nito sa pamilya niya.

Unang lumapit si Divine. " Can I get a hug from you? " She said.

Nagulat ako nang umatras ang anak namin. "No. We just met. Besides you're the one who barged in mama's room last day. You hurt my mama. " Akusa nito.

Tiningnan ako ni Divine na may pag-aakusa." Oh your mama told you about it ?"

"No but our househelps were talking about it. "  She said and stands closer to me.

Napailing ako. There's no way na kakausapin siya ng mga househelp namin. Hula ko narinig niya lang ito sa kanila. Akala siguro ng mga kasambahay namin hindi talaga siya nakakaintindi ng tagalog.

Unfinished YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon