(Vince P.O.V.)
Napamura ako ng makita ko ang pag-iyak niya. Lagi ko nalang siyang napapaiyak.
Hinugot ni Paula ang kamay niya na hawak hawak ko . I leaned on para punasan sana ang luha niya pero inatras niya ang silya niya avoiding my gestures.
"Don't bother Vince parang di ka sanay na nakikita akong umiyak. " Mapait niyang sabi .
Tama siya. Sa buong panahon na magkakilala kami ,mas maraming beses ko siyang napaiyak kaysa napatawa.
I felt the tension among us. Mabuti nalang dumating na ang order niya just on time na napunasan na ni Paula ang mga luha niya. Napansin kong ninakawan ito ng sulyap ng waiter na nagserve ng pagkain kaya inagaw ko ang tray sa kanya at ako na ang umayos ng pagkain niya. Pinaalis ko na din ang waiter at sinabing sa loob na siya magserve.
Nakita ko na naman na nagulat si Paula pero hinayaan niya lang ako. We ate in silence. Hindi muna ako nagsalita baka tuluyang mawala ang gana niya sa pagkain. Paminsan-minsan sinusulyapan ko siya.
"Don't you want to eat rice? May shrimp at pusit sa buffet na nasa loob,gusto mo ikuha kita? Umiling lang siya at patuloy na kumain. Halata na ayaw niya munang magsalita.
Tumunog na naman ang phone ko kaya I turned it off. Nagpatuloy ako sa pagkain. Magana akong kumain kasi maliban sa paborito ko ang mga nasa mesa,kasama ko pa siya-the girl who got away.
Nauna siyang natapos kumain kaya tinapos ko na rin ang pagkain ko. Agad namang nilinis ng waitress ang mesa namin.
"Paula ,ahm.." I don't know what to say first. Iilang pagkataon lamang na nangyari na nawalan ako ng sasabihin.
Wala rin yata siyang balak magsalita "Pao, humihingi ako ulit ng tawad sa lahat. Sa mga masasakit na salitang sinabi ko, sa mga masasamang ginawa ko at sa pagtalikod sa iyo pagkatapos ng debut mo."
Tiningnan niya lang ako na walang ekspresyon sa mukha. Naiinis ako kasi di ko na nagagawang basahin ang nasa isip niya. She is now unpredictable.
"Honestly Vince that apology was long over due. Isa pa kahit patawarin kita ngayon,hinding hindi na natin maibabalik ang kahapon. Kung noon hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng buhay mo,ngayon,ganun din ako. Hindi na kita kayang maging bahagi ng buhay ko. Let us just move on with our lives." She said in a cold tone.
Pumikit ako to welcome the pain that I deserved "Pao pwede ba akong magpaliwanag?" Umiling siya " Can we start kahit bilang magkaibigan lamang. I'll earn your forgiveness Pao . I won't gave up. "
She looked at me "We can never be friends Vince. Not ever." She said with determination.
"Tama ka, we can never be friends but listen Pao we can be more than friends. This time,I'll do the chasing. Liligawan kita." Prangka kong sabi.
Tumawa lang siya "Liligawan? Bakit ? Narealize mo ba na mahal mo pala ako after 7 years? " Tumayo ako at hinawakan siya. She's hysterical now. Itinaas niya ang mga kamay niya "Don't Vince. Don't... ever ...touch ...me." Babala niya. "If you think na ako pa rin yung dati, then think again Vince. Nakabangon na ako mula sa pagkadapa mula sa iyo at wala akong planong madapa ulit. " She inhaled and exhaled probably calming herself . Pinabayaan ko na lamang siya.
Nakatayo pa rin ako sa harap niya."Take your seat Vince,may mahalaga akong sasabihin sa iyo. " Maya-maya ay sinabi niya .She looks uneasy.
No one dictates me what to do but I found myself following her order.
"Sa kabila ng lahat may isa akong ipinagpapasalamat sa mga nangyari sa nakaraan." I frowned . Di ko malaman ang itinutumbok niya "My daughter, her real name is Pauline Venice Dela Forte. She's yours." Napanganga ako sa sinabi niya. I don't know how to react and what to feel.
BINABASA MO ANG
Unfinished Yesterday
RomanceShe left her hometown 7 years ago with a broken heart and a shattered dreams .Now,she went back home and faced the person who broke her heart-the dashing,mighty and powerful Vince Villegas. Will Paula Dela Forte finally finds closure on her past or...