Chapter 3 (who are you?)
Lyn Alona's POV
AH!! Ang sakit ng ulo ko. Sinubukan ko tumayo at sobra akong nahirapan dahil nakatali ang kamay at paa ko. Umupo na lang ako. Wala din ako makita dahil nakapiring ako. Pero kinapa ko ang sahig at pansin ko na mabuhangin, ibig sabihin nasa isang abandon building ako. Ramdam ko din ang hangin sa katawan ko kaya malamang nasa mataas na palapag kami . Di nila tinakpan ang bibig ko kaya sigurado nasa rooftop kami. Walang makakarinig sakin dito dahil sa air pressure.
"Hoy! Miss ok ka lang ba? Halata namang gising ka pero di ka nagsisigaw dyan." Rinig kong boses ng isang lalaki.
"Bakit pa! Wala naman makakarinig sakin, mapapagod lang ako." Base sa naririnig kong footsteps di lang sila 2 o 3. Mukhang marami sila.tsk. mahihirapan ako makatakas dito.
"Aba! Kakaiba ka ah! Ang tapang! Yan ang mga gusto ko sa babae!" Sabi nung isa pang lalaki. Kahit di ko sila nakikita alam ko malapit lang sila dahil sa yabag at kaluskos na naririnig ko.
"Alam mo pre tama ka! Kakaiba nga toh. Nakidnap na lahat, ang kalmado pa rin." Wala naman ako magagawa kundi ang kumalma para makapag isip ako ng paraan para tumakas.
"Hoy miss tatahimik ka lang ba dyan o hahayaan mong mapanis ang laway mo?" Sabi nung isa pa.
"Bakit niyo ba kasi ako kinidnap. Di ako mayaman wala kayong makukuha sakin. Pakawalan niyo na ko. Di ko naman kayo kilala kaya pls." Pagmamakaawa ko sa kanila. Lubid lang ang tali nila sakin. Madali akong makakawala. 3 months din ako nagtrain para makawala sa ibatibang klase ng pagkakatali.
Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay kausapin sila para malaman ko din ang pwesto nila para sakaling makawala na ako, di ako mahihirapan tumakbo o kalabanin sila.
"Talaga di ka mayaman? Sa ganda at kinis ng kutis mo halatang anak mayaman ka!" Sabi nung isa pa. Ok 2 sa harap ko 2 sa kanan at 1 sa malayo.
"Mga bobo ba kayo? Kung anak mayaman ako dapat may bodyguard ako lalo na gabing gabi na."
"Point taken! Pero kilala kasi kita alam ko anak ka ng mag asawang Valerio." Sabi ng isa pa, nasa likod ko siya.
"Baka napagkamalan niyo lang ako."
"Sigurado kami dahil nakuha namin ang i.d. na suot mo kanina." Sabi pa ng isa, pasigaw niya yun sinabi ibig sabihin medyo malayo siya.
"Dahil Valerio apilyido ko kapamilya na nila ko? Marami na din nagsabi niyang pero kapangalan ko lang yun."
"Wag mo nga kaming lokohin! May picture kami ng anak nila! Wag mo sabihin kamukha mo lang din yun?" Sabi nung isa pa. Ayon sa tantya ko mga sampu sila. Kayang kaya pa. Dahil maluwag na ang lubid ko sa kamay at paa. Magbibilang ako tas kakaripas ng takbo. Malamang nasa kanan ang exit dahil mas marami akong tao na narinig dun. 1....2....3... Tumayo ako at kumaripas ng takbo..
"Huy!!!! " Rinig kong sigaw ng lalaki. Di na ko tumalikod at nagmadali bumaba ng hagdanan. Buti na lang madali lang din tanggalin yung blindfold kundi mahihirapan ako makatakas nito.
Pagkababa ko dirediretso ako hanggang 1 floor. Yes! Makakawala na din ako. Pero nawala ang ngiti ko ng pagdating ko sa baba ay mas marami sila. Nagtago muna ko sa gilid. Dapat di magpadalos dalos. Ang dami nila eh."Hoy!! Miss Valerio, tingin mo ba matatakasan mo kami?" Rinig ko. Alam ko malapit lang siya sakin dahil di naman siya nasigaw parang alam niya na malapit lang din ako sa kanya.
"Magbibilang ako hanggang tatlo. Pag di ka lumabas , pagsisisihan mo. " Tumingin ako sa paligid. Lahat may bantay.
"Isa!!" Pasigaw niyang bilang.

BINABASA MO ANG
My Kidnapper is???
RomantikPaalala: di po ito horror or fantasy.. What if you have the power to change the past what will you change? Yan ang palaging naiisip ni Lyn Alonna Valerio. Kung titingnan ng iba siya ay isang perpektong tao na kinaiinggitan ng lahat. Matalino, ma...