Chapter 2 (kidnap)
Lyn Alona’s POV
3 days past. I'm in my apartment. Maliit siya, pero ayos lang dahil nagtitipid na ko ngayon. Tinotoo nga ni mommy ang sabi niya, when I check my account yesterday di ko na siya mabuksan. Buti na lang may na withdraw akong another 50,000. This apartment worth 7, 500 a month. Ok na siya, kasi may bed na ung nga lang gawa sa kahoy kaya bumili ako ng ibang basic appliances para makatagal ako dito. Di na ako bumili ng kalan dahil di naman ako marunong magluto. Money check 20, 000 na lang ang pera ko. Next week pa ako makakasahod kasi every two weeks ang sahuran dun sa hotel. Oo nakapasok ako bilang receptionist sa hotel. Kinabahan nga ko baka di ako tanggapin kahit na I’m confident because of my grades and I graduated sumacomlaude. Pero yung interviewer kasi tinanong ako about may family background because of my surname. Syempre I told him na ka epilyido ko lang sila. Baka mamaya kasi isa yun sa dahilan para di ako tanggapin.
Time check 6:30 am . 7 pa ang pasok ko kaya tama lang . Walking distance lang naman ang apartment kaya madali akong makakapunta.
On my way there, I feel na may sumusunod sa akin. Nung isang araw ko pa yun napapansin, pero isinawalang bahala ko lang kasi if I know one of the guards lang yun na inutusan ni mommy para pasundan ako. Pagdating ko sa dressing area para mag ayos nakita ko ang ibang co workers ko na todo kung mag ayos.
“ anong meron? todo ata ang pagpapaganda natin ah.” Sabi ko kay Anne, one of the receptionist na kasama ko. Kahit 3 days pa lang akong nagtatrabaho close ko na sila kasi day 1 ko pa lang napaka welcoming na nila sakin.
“ Hay naku, wag mo na kami pansinin. Ang mga less sa ganda kailangan itodo ang pagpapaganda. Ikaw kasi di mo na kailangan yun. “
“ Bakit nga? May important client ba o visitor sa hotel?” tanong ko. Malay ko ba baka mamaya kailangan ko din mag ayos para presentable naman ako tingnan.
“ Oo sobrang important. May surprise visit kasi dito ang manager ng hotel. “ manager? Ah yung nag interview sakin. Kaya pala. Di ako slow para di mapansin na gusto nila ang manager. Gwapo kasi eh. Pero mas gwapo pa din siya hahaha.
“ahh..”
“ Yun lang reply mo? Kung sabagay, yung mga ganyan ang kagandahan mataas ang standard” sabi sakin ni Anne
“Hindi rin. Alam mo Anne baka ganyan yan kasi may boyfriend na diba Lyn?” sabi ni Myles isa din sa mga receptionist.
“ no comment ako dyan. Hali na nga kayo time na oh.”Pag iba ko ng topic. Tulad ng nasabi ko isa akong receptionist at trabaho ko ang mag accommodate ng mga bisita.
2 hours have past at napansin ko ang mga kasama ko nag uusap usap.“Huy, oras ng trabaho, tsismis pa kayo ng tsismis!” sabi ko sa kanila. Although wala pa naman kaming Ina- accommodate pangit pa din tingnan kasi walang professionalism.
“Eto naman! Nabalitaan kasi namin na dumating na daw si manager. “ sabi ni Anne
“Tama! At maya maya lang makakarating na sila dito kaya magtago ka muna!” sabi ni Myles
“Ha? Bakit may kasalanan ba ko?” nagtataka kong tanong.
“Kasi pag nagpakita ka di na kami mapapansin.” Sagot ni Myles
“Hahahaha.. joke lang yun ah wag mo damdamin. " sila talaga kahit kelan..Sandaling minuto pa ang nakalipas at napansin kong medyo umiingay na sa lobby. Tapos napansin ko din yung ibang bisita sa hotel napatingin sa may labas. Take note nakanganga pa. Kaya ako napatingin din , at literally and unexpected na napanganga din ako, not because I'm amused but because im shocked. Nandito siya!! Totoo ba itong nakikita ko? Si Kai?, I smile as i greeted our manager and also, of course the owner pero may kirot akong naramdaman sa puso ng hindi man lang siya tumingin sa gawi ko. Miski sulyap wala!! Buti pa yung manager eh! Nginitian ako. What do you expect Alona? Syempre nakamove on na siya. Pero that doesn't mean na I'm giving up.. lalo pa ngayon na nakita ko na siya?

BINABASA MO ANG
My Kidnapper is???
RomantikPaalala: di po ito horror or fantasy.. What if you have the power to change the past what will you change? Yan ang palaging naiisip ni Lyn Alonna Valerio. Kung titingnan ng iba siya ay isang perpektong tao na kinaiinggitan ng lahat. Matalino, ma...