Chapter 9 (peace talks, love whisper)
Lyn Alona's POV
Naalimpungatan ako ng magising ako. Pagtingin ko sa bintana gabi na. So buong araw pala akong Walang kain. Napansin ko din na iba na ang suot ko. Pinalitan niya ba ko ng damit tsaka pagkapa ko sa ilalim ko may napkin na ko? Si..si Kai ba may gawa nito? Thinking of it!!!! Nakakakahiya...!!!
Pagtingin ko sa gilid nandun si Kai nakaupo habang natutulog. Di kaya siya ma steep neck nito? Pwede naman siya humiga ah..
Habang tinitingnan ko siya napatanong ako sa sarili ko. Mahal pa din kaya niya ko? I know 4 year and a half is too long, malamang naka move on na siya sakin.
But a part of me wants to figure it out.
"Kai??" Di pa din nagbabago ang boses ko paos pa din.
"Kai??" I tried calling him again. But this time medyo nilakasan ko na. Effective naman dahil napatayo siya agad at lumapit sakin.
"Al? Are you ok? Is there anything you want?" Halata ang pag aalala sa kanyang mukha. He still care for me. Napangiti ako sa idea na yun. Pero di ko pinahalata.
"I n-need w-water."
"Osege. Wait for me here." Agad din siya lumabas ng kwarto .
Napatingin ako sa paligid. Hindi ito yung kwarto ko kanina. Kwarto ba ito ni Kai? Habang wala pa si Kai i think i came up with an amazing idea. Mahal man niya ko o hindi i will make sure na he will treat me like before. Na ako lang ang mahalagang tao sa buhay niya. Ako lang.
I think 30 mins. have past. Bakit ang tagal niya? Tubig lang naman hinihingi ko ah.. babangon na sana ako ng marinig ko ang yapak ni Kai malapit sa pinto. Napahiga ulit ako ng maayos at nagkunwaring tulog..
"Al? Gising na muna. Ito na yung tubig mo." Nang sabihin niya yun nagkunwari ako na gising at kinusot-kusot ko pa yung mata ko. Inalalayan naman niya akong bumangon na akala mo eh pasyente ako.
"Here's your water." Inabot naman niya sakin yung tubig at ininom ko din agad. Grabe naubos ko yung isang basong tubig. Grabe yung uhaw na nararamdaman ko ah.
"Thanks.. bakit pala ang tagal mo? Nakatulog tuloy ulit ako." Sabi ko ng may matamlay na boses. Kung ito lang ang paraan para maging mabait siya sakin then so be it. Aarte ako na akala mo may malubha akong karamdaman.
"Sorry i made you wait. Ginawan pa kasi kita ng dinner. Di ka kasi nag almusal at lunch baka nagugutom ka na. " Nilagay naman niya yung tray sa harap ko at nakita ko na liver soup ang pagkain.
Hanggang ngayon alam pa rin ni Kai kung ano ang paborito kong kainin kapag meron ako. I tried holding the spoon. Pero dahil nagkukunwaring mahina pa ko kaya sinadya kong malaglag yung fork. Kukunin ko pa sana ulit kaso kinuha na ni Kai.
"Sorry. " Paawa kong sabi.
"Its ok susubuan na lang kita. " Napangiti na naman ako ng palihim ng makita kong pinagsisilbihan ako ni Kai
Habang sinusubuan niya ko wala akong makitang expression sa mukha niya. Di ko alam kung concern pa ba siya o napipilitan na lang.
"Kai? Wala ka bang gagawin. Kaya ko na yan." Sabi ko ng hindi siya tinitingnan.
"Its ok i have nothing else to do. Tsaka ano pa bang gagawin ko ng 10:00 ng gabi?"
"Well... Matulog? I'm sure napagod ka kakabantay sakin."
"Don't worry about me. Worry about yourself." Sabi niya sakin in a cold expression. Ayoko ng ganito, pinagsisilbihan niya nga ako pero parang napilitan lang.

BINABASA MO ANG
My Kidnapper is???
RomancePaalala: di po ito horror or fantasy.. What if you have the power to change the past what will you change? Yan ang palaging naiisip ni Lyn Alonna Valerio. Kung titingnan ng iba siya ay isang perpektong tao na kinaiinggitan ng lahat. Matalino, ma...